Hindi mo pa dapat sya ipagluksa,
Nasa paligid lamang sya at naghihintay sayo,
Nabuhay sya para sayo,
Ikaw lang talaga ang nag lagay sa utak mo ng mga pangyayaring yan,Ikaw mismo ang gumawa ng mga pangyayaring hindi naman talaga naganap,
Oo nga't nabaril sya, ngunit nakaligtas sya sa pangyayaring iyon, ikaw ang hindi dahil sarili mo ang pinapatay mo,
Nandyan lang sya sa labas, naghihintay sayo, umaasang gagaling ka sa iyong pinagdaraanan,
Marami silang umaasa,
Nagdarasal upang ikaw ay gumaling.Kaya gawin mo ang lahat upang makalabas ka ng tuluyan sa mundong ginawa lamang ng iyong utak.
Yung taong naghihintay sayo,
Nandyan lang yan sa tabi tabi hindi mo lang talaga sya nakikilala dahil maski mukha niya ay nilimot muna tulad ng paglimot mo sa iyong sarili...
Ayusin mo ang sarili mo , hindi para sa kanya,
Kundi para sayo,
Isipin mo muna ang sarili mo , bago ang iba,
Matututunan mo siyang mahalin muli kung mamahalin mo ang sarili mo,Handa syang maghintay kahit ganu kapa katagal,
BINABASA MO ANG
MY OTHER WORLD
Short Story..lahat tayo may paraan upang takasan ang katotohanan, Pero ako pinili ko ang daan na mas Madali . MY OTHER WORLD