DEINILE'S P.O.V.
Hay salamat! Tapos na din ang punishment ko! Parang ayaw ko nang umuwi sa bahay! Ang dami kase pinapagawa ni ate! Pero...Makikita ko naman si Zyrenne😰.Pagpasok ko sa university,agad kong hinanap si Ian.Napadaan ako sa room namin kaya pumasok na din ako.Naisip ko si Zyrenne kaya nagsulat na naman ako sa blackboard.
"Zyrenne,sorry sa lahat ng nagawa ko lalo na yung nangyare sa baby mo.Sana mapatawad mo pa ako.
-Deinile"
Hindi ko na binura ang sinulat ko at umalis na.Habang hinahanap ko pa din si Ian,nakasalubong ko sina Exie at ang mga kaibigan niya.
"Hey,what happened to you?" Mahinang tanong ko pero hindi naman niya ako pinansin.Ni isa sa kanila hindi ako pinansin.Hindi niya rin ako binati at nilandi ngayon.Hmm,something's very suspicious about them.Aalis na sana sina Exie pero hinila ko ang kamay niya.
"Tell me.What happened?" Tanong ko pero hindi pa rin siya sumasagot.
After 2 mns."Deinile stop it.We have to go." Sabi niya sabay alis ng kamay ko sa kamay niya pero hinila ko pa din siya.
"What is the problem Exie?"
"Stop.Baka makita niya tayo." Nanginginig na sagot niya.
"Huh? 'Niya'? Sinong 'niya'?" Nagtatakang tanong ko habang hawak ang kamay ni Exie.
"Si—" Naputol ang sinasabi niya dahil merong bumato sa kanya ng isang bolang papel sa ulo niya.
Nang tignan ko ang direksyon nang bumato sa kanya..Nakita ko si Zyrenne kasama ang nga kaibigan niyang siguro ang BlackFaith.
"Oh there you are my little slaves!" Sigaw niya habang nakatingin kina Exie.At si Exie agad na kumawala saken at pumunta sila ng mga kaibigan niya kay Zyrenne.
"Slaves?" Nagtatakang tanong ko.
"Hmm..Yes.Dahil sa parusa mo wala ka pang alam samin.Exie my favorite slave,can you explain what I mean to him?" Utos ni Zyrenne at si Exie ay pumunta sa gitna namin ni Zyrenne at nagsalita habang seryosong-seryoso at nakatingin saken ng diretso.
"Deinile,sila ang BlackFaith.Sila ang bagong pinuno ng mga students dito sa university.But secretly.At wag mong subukang magsumbong kahit kanino dahil bawat galaw natin ay alam nila.Bawat salita natin ay naririnig nila.Sa tuwing makakasalubong mo sila,kailangan mong magbow at batiin sila bilang paggalang." Seryosong pag-e-explain saken ni Exie at bumalik na sa mga kaibigan niya na nakatayo sa tabi nina Zyrenne.
"What? Zyrenne what is this all about? Bakit may alipin? Bakit may bow? Bakit may pinuno ng mga students dito? Bakit secretly? Ha Zyrenne? Bakit?!" Sunod-sunod na tanong ko pero siya nagcross arms lang.
"Well,kailangan mong magbow kung ayaw mong mapuruhan." Pananakot ni Zyrenne.
"Zyrenne,please stop doing this.Hindi ganyan ang Zyrenne na nakilala ko." Pero pagkatapos kong sabihin yun,biglang nagdikit ang kilay ni Zyrenne at unti-unting lumalapit saken.
"You made me like this Deinile.Kung ano man ako ngayon,dahil yun sayo!" Sigaw niya at umalis na silang BlackFaith.
ZYRENNE'S P.O.V.
(Cafeteria/Black Students' Table)AGGGHH!!! YUNG LALAKING YUN!!! LAGOT KA TALAGA SAKEN!!!
"Dark B chill." Sabi ni Hydee habang nakahawak sa balikat ko.
"It's okay.Tutal nandito na si Deinile,magagawa na natin ang plano." Galit na sagot ko.
*after class*
"BlackFaith,it's time.Get 'em.Hydee,ikaw kay Deinile,Francis and Lester,kayo kina Exie." Utos ko then umalis na sila para sunduin sina Deinile at Exie.
Habang naka-upo akong naghihintay,isa-isang pumapasok sa isip ko ang mga masasaya kong ala-ala kay Deinile.
"Hi Bhe! Musta class?" bati ko kay Deinile.
"Hmm,okay naman siya bhe.Medyo nakakasakit lang nga ng ulo yung math." Sagot niya habang minamasahe ang gilid ng ulo niya.
"Tara punta tayo ng café,relax tayo dun." Pagyayaya ko at mabilisan kaming pumunta sa café.
Nakaupo na kami at kumakain.Naisip ko na naging masaya ang buhay ko dahil kay Deinile,kaya tinitigan ko siya habang kumakain siya.
"Anong klase kang tao Deinile? Bakit sa isang iglap napaibig mo na ako? Anong mahika ang meron ka?" Sunod-sunod na tanong ko sa isip ko habang nakatitig pa din sa kanya.Nang bigla siyang nagsalita..
"Bhe? Zyrenne? Huy! Bat nakatulala ka? Maganda ba ang view?" Sunod-sunod na sabi niya.
"Kapal mo naman." Pagbibiro ko pero natigil siya sa pagkain.
"Uhh,so ganun pala ako.Makapal ang mukha.Tss,,fantastic." Sabi niya sabay bagsak sa baso.
"Huh? Anyare sayo? Hala,sorry na.Nagbibiro lang naman eh.Ikaw masyado kang seryoso di ka mabiro." Pagpapaliwanag ko habang pilit hinuhuli ang mga mata niya pero pilit pa din siyang umiiwas ng tingin.
Hanggang sa napabuntong-hininga nalang ako."Oo na.Ikaw na ang pinakagwapong lalake sa balat ng lupa.Ikaw na ang lalakeng para sakin lang.Ikaw lang ha." Seryosong sabi ko pero tinignan niya lang ako saglit at umiwas na naman ng tingin.
"May kulang." Padinig niya.
Ako naman biglang nagtaka.Ano yung kulang? Hmm..Isip-isip Zyrenne.AH! Yung magic word putek!
"Oo na.I love you." Mahinhin kong sabi at tinaas niya na ang ulo niya at tumingin na saken.
"Sigurado yan ha."
"Yup.Lagi ko yung tatandaan Deinile.Ko."
Then tumayo siya at hinila ako dahilan para makatayo din ako.
Hinawakan niya ang bewang ko gamit ang isang kamay at ang isa naman ay nasa pisngi ko.
"I love you too." Sabi niya.
Unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa mukha ko habang ang mga tao sa paligid namin ay naghihiyawan na at may sumisigaw ng "KISS!!".
Ayan na.Sobrang lapit na!! Pero meron akong naririnig na boses na tumawag saken.
"Zyrenne! Zyrenne!" Tawag ng boses.Hanggang sa...
Nakita ko nalang na nakatayo sa harapan ko ang BlackFaith,sina Deinile,Exie and her friends.
"Oh bakit?" Tanong ko habang kunwari walang nangyare.
"Para kaseng natutulog ka diyan." Sagot ni Francis.
"Ha? Natutulog? Hindi noh! Oh andiyan na pala ang mga visitors natin.Deinile.Exie.Tara." Sabi ko sabay tayo at alis.$#¡t imagination lang pala yun!!!
BINABASA MO ANG
Partners In Crime /Book 1/
Random[COMPLETED] "BlackFaith!" Binubuo nina: • Zyrenne Herish (Leader) • Hydee Montess • Francis Liazcario • Lester Arcanghel • Deinile Tranns (new member) • Veronica Prysler (new member) • Calvin Mirisel (new member) "We don't trust anyone." BlackFaith...