chptr4

4 0 0
                                    

Kanina pa akong di makatulog. Pilitin ko man sumasakit lang ang ulo ko. Oo alam kong gising ako kanina. Pero di padin ako makapaniwala e. Hinalikan ako ng isang multo o sadyang nanaginip lang ako ng gising? Urghh!!

"Nababaliw ka na ba Jacky? Ano ba?!" Tanong ko sa sarili ko. Di ko talaga maintindihan bakit ako nagkakaganito. O dapat magpatingen na ako sa Psychiatrist ni daddy?

"Ahhhhhhh." Nagpagulong gulong nalamang ako sa higaan. Bigla ko nanamang naalala ang mukha nya. Hayy.. ang kanyang mga labi.. naalala ko nanaman yung pag halik nya. Yung ilang minuto-- arghhhh!!! Bakit ko nanaman ba iniisip yan!!

"Jacky imagination mo lang yun ha! Imagination!!!" Pero kasi para syang totoo. At sa tuwing naalala ko yung mga labi nyang malalambot. Parang kinikilig ako. 😳  Ano ba naman yan. Nababaliw na nga yata ako. Huhuhu

"Ikaw na multo ka, dahil sayo mababaliw!!" Kinakausap ko ang hangin na para bang nakikita ko sya. "Bakit ba bigla kang nawala! Katulad ka rin pala ng ibang mga lalaki dyan nang iiwan nalang basta basta --"  gulat na gulat ako at di ko na natapos ang sasabihin nang biglang ang iniisip ko lang kanina, ay nasa harapan ko na. Naka higa sa harapan ko. Katapat ko mismo. Sobrang lapit mismo. MISMO!

Di ko alam kong bakit di na ako natakot sa kanya. Oo, nagulat ako. Pero nandun yung saya kasi nasilayan ko ulit sya. Nasilayan ng sobrang lapit.

Di sya umiimik. Nakatitig lang sya sa akin. Para bang kinakabisado nya lahat ng linya sa mukha ko. Nang biglang nagtama ang mga mata namin. Nailang ako kaya umiwas ako ng tingin. Pero may parte sa utak ko na gusto syang mahawakan. Pero nagpigil ako. Baka isipin neto pinag nanasaan ko sya. Huh! Never!

Maya maya nakaramdam ako ng kakaibang lamig. Papalapit ng papalapit ang kamay nya sa mukha ko. Nanlaki ang mga mata ko ng dumampi iyon sa aking mukha. Di ko alam kong kinakabahan ba sya kaya malamig ang kamay nya o sadyang malamig lang iyon.

Bigla syang ngumiti at dahan dahang hinaplos ito. Di ko alam kong bakit hinahayaan ko syang gawin to pero nagugustuhan ko nararamdaman kong kiliti sa pag hawak nya. Para bang hahanap hanapin ko na. Na para bang nasasanay na agad ako. Na para bang ilang beses nya nang nagawa to sakin. Kaya napapikit nalang ako.

Hinawi nya ang buhok na nakaharang sa aking mukha. Hinawi nya iyon papunta sa likod ng aking taenga. Nakikiliti ako na di ko maintindihan, para bang hinihili nya ako sa pamamagitan ng pag haplos sa mukha ko. Hanggang sa makatulog na ako. Pero bago yun naramdaman kong may dumamping labi sa aking pisngi at kasabay nun ang pag sabi nya ng "Sweet dreams Jacky."

Nagising ako dahil sa pag tama ng sikat ng araw sa aking mukha. Bumangon ako ng may malaking ngiti sa mga labi. Napatingin ako sa bintanang nakabukas at nakahawing kurtina.

"Sya kaya nag bukas nyan?" Teka di ko pa nga pala alam ang pangalan nya. Hayy. Napanguso ako sa naiisip ko. Sayang! Kailan kaya ulit sya mag papakita?

May naamoy akong masarap na pag kain galing sa kusina. "Di kaya pinag luto nya ako ng masarap na agahan?" Kaya nag madali akong lumabas at di mapawi ang ngiti sa aking mga labi. Nag derideritso ako sa kusina, pero---

"Yaya?!" Bigla akong nadismaya. Sayang akala ko sya na talaga nagluluto para sa akin.

"Oh sweathart! Gising kana pala? Lumapit ka rito at kumain kana. Alam kong gutom ka. Di man lang nabawasan yung niluto ko kahapon para sayo. Magkakasakit ka nyan." Tuloy tuloy lang sa pag sasalita si yaya pero di ko sya pinansin. Lutang ang isip ko dun sa multong yun! "May problema ba? Bakit parang ang lalim ata ng iniisip ng alaga ko?" Pukaw ni yaya sakin ng mapansin nyang di ako nakikinig.

"Ahm.. haha. Ako yaya? Nako wala po ah! Hahaha may iniisip lang po talaga ako." Habang nakaupo sa round table. Napatingin ako sa upuang gumalaw kagabi. Di parin yun naayos hanggang ngayon. Di kaya nandyan parin sya ngayon? Tinitignan nya kaya ako? Pero bakit di ko sya makita? Haist! Baliw ka na Jacky!

"--bumaba ka riyan at umupo ka ng ayos bata ka. Kumain ka na at may gagawin lamang ako sa sala." Um-oo nalamang ako at sumubo paisa isa habang nakatitig sa upuang katapat ko.

"Ikaw! Bat di kita makita kung nasan ka! Ang daya mo!" Dinuro ko yung upuan sa harap ko. Tinisok ko ang hotdog sa gitna at itinapat yun sa kanya. "Gusto mo? O ito kunin mo sa kamay ko." Alam ko para na akong tanga dito. Wala e, try lang baka gumana. Haha "Okay! Edi wag, ikaw din. Bahala ka. Masarap to. Blee."

Nagulat ako ng biglang may humawak sa balikat ko. Kaya dahan dahan akong napatingin sa kamay na yun.

"Sweathart okay ka lang ba dyan? Sino kinakausap mo?" Shit! Hala! Akala ko kung sino na.

"Ah.. hehe.. eh.. wala to yaya! Nag papraktis ako para sa workshop ko. Balak ko kasi mag artista. Yung baliw baliwan role. Hahaha" kainis. Napahiya ako dun.

"Ganoon ba? Ay! Maganda nga yan ng may mapagkalibangan ka namang maganda ngayong bakasyon." Bumalik si yaya sa ginagawa nya. "At sya nga pala. Mamimili ako ng grocery mamaya, sasama ka sweathart?" Sumama kaya. Ng makapag libot libot naman ako dito sa province? Oo nga. Sige.

"Hindi po yaya." Hala! Shockss!!

Gusto kong sumama kay yaya pero bigla ko syang nakitang lumabas galing sa kwarto ko.

"Sige sweathart. Di na ba talaga mababago isip mo?" Yaya gusto ko sumama pero haist!

"Sa susunod nalang po siguro. Ingat po kayo sa pamimili yaya ha." Paalala ko kay yaya.

"O sige aalis na ako at baka nag aantay na si Lenard sa labas." Nang papaalis na si yaya palabas sumunod ako para ihatid sya palabas. Bumalik ako sa kusina para iligpit yung pinag kainan ko at hinugasan yun.

"Ay bastos na multo!" Nagulat nalang ako ng biglang may malamig na kamay ang humawak sa may beywang ko. Naramdaman ko ang malamig nyang hininga sa leeg ko. Narinig ko ang pagbungisngis nya. Nakikiliti ako kaya napaiwas akong bigla.

Humarap ako sa kanya kaya natanggal ang pagkakayakap nya sa akin. Nag katinginan kami sa mga mata. Natulala ako ng makita ko ang mga ngiti sa kanyang mukha. Bakit ba ang gwapo ng multong to?

"Multo ka ba talaga?" Napatakip ako sa bibig ko sa naitanong ko sa kanya. Baka maoffend sya. Bakit ba kasi ang daldal ko. Baka bigla nanaman yang maglaho.

Bigla syang tumawa sa tanong ko sa kanya habang nakatitig parin sa mga mata ko. May nakakatawa ba sa tanong ko?

"Nakakatawa ba yung tanong ko?" Pagtataka ko sa reaksyon nya. Umiling sya bilang sagot. "Di ka ba talaga nang sasalita?" Pero kagabi lang ang daldal nya kaya nung may dugo yung nuo ko. Oo nga no? Yung sugat ko, bakit parang di na masakit. Napahawak ako sa nuo ko at kinapa yun. Bakit wala na.

"Wala nang sugat yan. Ginamot ko na kagabi." Lumapit sya sakin bigla at hinawakan nanaman ang ulo ko at hinalkan nya ang sugat ko sa nuo na ginamot nya kagabi. Pagka tapos sa nuo ay sa ilong. Pag katapos ay nginitian nya ako ng pag ka tamis tamis at inilapit nanaman ang mukha nya palapit sakin kaya ipinikit ko na ang mga mata ko ng hahalikan nya ako sa mga labi. Pero nag kamali ako. Nag laho nanaman sya!

"Ang bastos mong multo ka!" Napangiwi nalang ako sa inis.


__________
Sorry late UpDate. Di ako makapag update kahapon dahil sa sabay sabay na defense mga best! Hahaha muah😘😚😙

Pervert GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon