Third Person's POV
"H-hoy? Okay ka lang?" Lumapit agad si Jacky sa lalaking tinawag nyang si 'jeff-jeff'. Pero bigla itong nawala ng may kumatok sa kwarto nya.
'Ano ba? Okay lang kaya siya?' Tanong nya sa sarili. Binuksan nya ang pinto at ang mukha agad ni yaya Paning na di mapakali habang hawak ang cellphone.
"Bakit po yaya? May problema po ba?" Halata sa boses ng dalaga ang pag aalala.
"S-si Je-Jeff-jeff. Si Jeff-Jeff apo nakita na." Magka-halong tuwa at pangamba ang makikita sa mukha ng yaya nya.
"Maganda po yun yaya. Pero bakit po parang di kayo mapakali?" Pinapasok nya ang yaya. At pinaupo sa kama.
"Na'coma sya sweathart. Na'coma ng halos dalawang taon." Humihikbing pagkukwento ng yaya nya.
"Diba po mag dadalawang taon nadin po syang nawawala? Sino pong kumupkop sa kanya? Pati bakit ngayon lang po sya nakita?" Sunod sunod na tanong nito ng dalaga.
"Ang sabi ng apo ko, isa sa mga ka'ibigan ni Jeff-Jeff ang natag puan sya dalawang taon makaraan na nakahandusay sa gitna ng kalsada. Kaya tinulungan na nya ito at inalagaan. Isang doctor sa sikat na ospital sa ibang bansa ang nag alaga sa kanya." Humihikbi ang ginang.
"Di nya agad ipinaalam sa mga magulang ni Jeff-jeff dahil umaasa sya na magagamot nya ito. Pero nagkamali sya." Pag papatuloy pa nito.
"Kaya ngayon sya na mismo ang lumapit sa mga magulang ni Jeff-Jeff at sinabing kailangan na daw t-tanggalin ang life support ng kawawa kong apo dahil tanging life support nalang ang nagsisilbi nitong buhay." Halos di na mapigilan ng ginang ang sarili at pumalahaw na ito ng iyak. Kaya nag madali si Jacky na kumuha ng tubig at ipinainom iyon kay yaya para kumalama kahit papaano.
"P-pumayag po sila tita at tito yaya?" Di mawari ni Jacky ang nararamdaman. Di nya gustong marinig ang sagot dahil alam nyang masakit lang ang malalaman nya... kahit na hindi nya pa ito nakikita o nakakasama. Para naring may malaking parte sa kanya ang mawawala. Nakita nyang huminga ng malalim ang yaya nya at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay nya.
"Oo sweathart. Pero bago mabunot ang life support nya n-nag dilat ang mga mata nya at tumibok ulit ang heartbeat ng apo ko." Sa nalaman nya, di nya namalayang may pumatak na luha sa kanyang mata. Niyakap nya ang yaya at pinakalma.
"Yaya.. mabubuhay sya.. tiwala lang yaya." Pag aalo nya sa sarili at kay yaya. Mayamaya ay may kumatok sa pintuan ng kwarto ni Jacky.
"Oh ikaw pala iyan Olan. Kailan ka pa nakarating?" Pinunasan ng yaya nya ang mga luha at pilit na ngumiti sa binata.
"Julian po nanay Paning. JUL-YAN." Pag uulit ng binata sa pangalan nya. "Julian the gwapong alaga ni nanay paning." Kasabay nuon ay kinindatan pa ang yaya. Lumapit sya sa yaya at hilkan ito sa mukha.
"Hahaha ikaw nga talaga iyan Olan. Kay hangin mo parin hanggang ngayon."
"See! Palagi naman kitang napapatawa. Hahaha. Hmm nay san nakalagay yung mga susi ng sasakyan sa garahe? Iikutin ko lang ang buong village. Aamoy lang ako ng sariwang hangin dito sa probensya." Napailing nalang ang matanda.
"Naandun sa ilalim ng kabinit sa kwarto ng daddy nyo. Buksan mo na lamang iyon at makikita mo." Napangiti ng nakakaloko ang binata.
"Tsk! Baka kamo mag hahanap ka ng bago mong lolokohin dito sa probinsya." Pagmamataray ng dalaga habang nakataas ang isang kilay.
"Can't argue with that, bunso. Gwapo ang kuya mo e." Sabay wink bago lumabas sa silid nya.
"Hahaha para parin kayong mga bata. Ang aso't pusa ng pamilyang Vasques." Napamaang nalamang si Jacky sa tinuran ng kanyang yaya.
Samantala...
Ilang oras ng nag aantay ang mag anak na Montecer sa pintuan ng ICU. Inataki nanaman kasi ang anak nila. Di mapakali si Mrs. Montecer. Gustong gusto na nyang makita ang anak nya. Maya maya ay lumabas na ang doctor na kaibigan ng anak.
"Christine ano okay na ba ang anak ko? Gising na ba sya? Pwede ko na ba syang makita? Nasan na sya?" Sunod sunod na tanong nito sa dalaga.
"Huminahon ka honey. Baka mapaano ka pa nyan." Pagpapakalma ni Mr. Montecer sa asawa.
"Ahm.. good news po Tita at Tito. Sa tinagal tagal ko na syang inu'obserbahan. Ngayon ko lang sya nakitang umayon sa katawan nya ang gamot na ibinigay ko sa kanya. Ililipat nalamang po sya sa private room nya at duon ko nalamang sya uobserbahan ulit. Tita malaki ang tsangsang makakarecover si Jeff." At ngumiti ito sa mga magulang ng binata.
"Salamat ng marami Tin, masaya ako at ikaw ang minahal ng anak ko. I am happy na hindi mo sinukuan ang anak namin." Ayon ni Mr. Montecer sa dalaga.
"Wala po yun Tito para rin naman po ito kay Jeff. Kahit na umatras sya sa kasal namin nun. Mahal ko parin naman po sya. Ito nalang po ang bagay na alam kong tamang gawin para sa kanya. Sige po Tito at may isa pa akong pasyenting pupuntahan." Yumakap ito sa Ginang at tatay ng binata at tuluyan ng umalis.
Habang nasa kwarto ay may isang paris ng mga matang nakatingin sa walang malay na katawan ng binata. Matagal nya na itong binabantayan at sinusubay-bayan. Unti-unti syang nag lakad papalapit sa katawan ng binata at nakangiti ng nakakatakot. Makikita mo sa mga mata nito ang pagkasabik na makapasok, makaramdam at muling mabuhay.
"Salamat sa nagmamay-ari ng katawan na ito at muli akong mabubuhay ng dahil sa kanya. Bwahahahaha!" Saka ito humiga sa katawan ng walang malay na binata.
____________
So... ito na nga. Madaming magtataka. Wahahaha..Ps.
Dun sa mga nagtatanong kung nasa wattpad nato. Hehe malapit napo and sisiguraduhin ko pong updated po sya dun ng mga dalwang chapter. Di ko pa kasi mapublish nasa draft ko palang sya. Paensya na. 😷 muah😚
BINABASA MO ANG
Pervert Ghost
ФэнтезиAng lahat ng ito ay gawa gawa lamang ng aking imahinasyon kaya wag pong kuwestyonin ang mga pangyayare sa kwentong ito. haha. enjoy reading 😘😘