Chapter 18

111 2 0
                                    


Nakita ko siyang papalapit sa akin at hinawakan ang magkabila kong kamay. Sa puntong ito sa tingin ko ay wala na akong kawala pa sa kung ano man ang mangyayari. Diko na rin maintindihan ang mga sinasabi niya at diko na mawari kung ano ang itsura niya. Muli ko nalang naramdaman ang pagdampi ng mga labi niya sa aking katawan. Tuluyan na akong nawalan ng pag asa at nagpalamon na sa kadiliman.

      ------------------------------------------------

"Her condition is fine now. Maybe she needs to take a rest. If you want a words with me I'll be in my office. I leave you now. Thank you."

"Thank you Doc."

Nagising ako sa mga salitang narinig ko. Doc? Ibig sabihin na ospital ako ngayon? Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata na siya namang paglapit ni mama, papa at ate.

"Anak? Mabuti at gising kana. Kamusta na ang kalagayan mo? May masakit pa ba sayo?"

"Wala na po mama. Maayos naman po ako. Ano po bang nangyari?"

"Wala ka bang naalala sa mga nangyari sa iyo anak?"

Napaisip ako ng malalim kung ano nga ba talaga ang nangyari. At unti unting bumabalik ang lahat. Huli kong nakita si Levi at dun ay nawalan na ako ng malay.

"Kung naaalala mo man ang mga nangyari sayo, may isang bagay kami na ipapaalam sa iyo. Sana wag kang mabibigla." Sambit ni mama sakin ng may pangamba at takot.

"What is it mama?  Anong nangyari? Ang anak ko?"

"Ayos naman ang apo ko anak. Pero..."

"Pero ano ma? Sabihin mo ng diretso sakin. Kinakabahan ako." Ibang kaba na ang nararamdaman ko sa mga puntong ito.

"Si Luca.... Nasa ICU nagaagaw buh----"

Diko na pinatapos pa ang sasabihin ni mama at kahit nanghihina na naman ako ay pinilit kong lakarin ang daan patungo sa ICU room.

Luca! Luca! Mahal kong Luca papunta na ako. Wag kang bibitaw nandito na ako! Kahit hirap na akong lumakad at natutumba tumba na ay pinilit ko pa rin makarating sa ICU.

Pagharap ko sa pinto ng room nakita kong ginagamitan na siya ng cpr ng mga doctor. Diko na mapigilan ang nararamdaman ko. Ngayon nakikita ko siya na ginagamitan ng mga bagay na makakatulong sa nag aagaw niyang buhay. Mga gamit na muling nagpapabuhay sa nanghihingalo niyang puso at pagod na katawan. Ano nga ba itong buhay na napasok ko!?  Bakit ganito!

The Dying Heart Of A Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon