Kabanata 20

19 2 0
                                    

Pamagat: The Date

((Mei Randa))

"Okay na ba yang sugat mo Mei?" Tanong ni Jane sa akin, nandito kami sa kwarto at napapalibutan ng mga tao. Sinusukatan nila kami ng damit at pinapapili ng kulay ng damit para sa kaarawan ng unggoy.

"Okay lang naman, medyo mahapdi pero carry." Sagot ko sa kanya, sa totoo lang hindi ko alam kung bakit kailangan na maging engrande ang damit namin.

"Miss, anung kulay ang gusto mo para sa layers?" Tanong ng babae sa tabi ko, napatingin ako sa brochure niya.

"Ate hindi ka ba nahihilo dyan? Ang daming kulay." Nginitian naman niya ako.

"Ang ganda mo miss, pero sa tingin ko babagay sayo ang brown, aangat ang natural color mo." Sabi niya sakin bigla, yung totoo?! Napansin niya ba ako? Hayst.

"Mei huy! Wag ka matulog!" Dinig kong saway ni Jane sakin, bakit ba? Nakakaantok kaya yung nakaupo ka lang tapos ang bango pa.

((Kaye Jane))

Hay naku! Itong babaeng ito talaga napaka-antukin. Well I can't blame her, alam kong malungkot siya dahil sa Sky na iyon.

"Mei huy! Wag kang matulog!" Saway ko sa kanya pero patuloy lang siya sa pagpikit ng kanyang mga mata. Tinatanong siya kanina ng babae kung anung color ng layer ng damit niya ang gusto niya pero, wala para lang siyang junga na naka-upo.

"Miss, sa tingin mo? Anung color ang babagay sa kanya?" Tanong sakin nung babae kanina, paano tinulugan siya. Agad naman akong napaisip, anu nga bang babagay na kulay sa kanya?

"How about brown?" Suggest pa nito, nadinig ko nga ring sinabi niya iyon kay Mei, hmm...

"Pwede po pero pwede rin pong lagyan ng touch of yellow or pink." Agad naman siyang naghanap ng color na babagay sa damit nito.

"How about we make her a gown that would make her look like a pink rose? I mean yung top niya ay pink habang sa baba ay magfe-fade then we will use a transition of color brown." Nginitian ko ang babae habang nakatitig sa brochure niya. Tumango ako bilang pagsang-ayon.

For sure ang gown na ito ay magiging unique. Just like her, unique but enchanted.

Hindi rin naman nagtagal at natapos na ang pagkuha ng sizes sa amin, natatandaan ko pa yung gown niya nung nakaraan. Napakaganda niya, para siya greek goddess na bumaba dito at nagkatawang tao.

She is almost perfect in physical features, small waist and face, thin lips and big black eyes her hair that is naturally wavy, and a cute pointed nose.

"Hay naku Mei, hindi na ako makapaghintay na sumaya ka." Pabulong kog sabi bago matulog.

*Kinabukasan*

"Huy Jane gumising ka na ngayon!" Naramdaman kong medyo umaalog ako, at alam ko ring si Mei ang gumigising sakin.

"Anung meron ngayon? Inaantok pa ako eh." Hinawi- hawi ko pa ang kamay niya sa braso ko kase nabubulabog ako.

"Hindi pwede kase kailangan mo akong tulungan!" Tuluyan akong nahulog sa kama ko kaya napadaing nalang ako.

"Anu ka ba naman Mei?! Istorbo ka naman sa tulog ko." Nakakabadtrip kaya, ang sakit pa sa balakang at ulo.

Fairytale?! hindi totoo yun!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon