Kabanata 4

108 13 1
                                    

Ending this day and starting this year with an update. Thank you for patiently waiting. Dedicating this chapter to (MgnCara) ate juls. Thank you for inspiring me to write this chapter without any pressure. It feels so light.

Kabanata 4

Memories of the past

Napahikab ako ng maramdaman ang marahang haplos ng hangin sa aking balat tila nanghehele upang makatulog ang kung sino mang kanyang niyayakap ngunit kasabay nito ang pagtama ng haring araw na salungat sa ibinibigay na lamig ng hangin, tamang init na bumubuhay at nagpapanatiling gising sa akin ang hatid.

Dahan-dahang naglandas ang kaliwang kamay ko sa malambot na buhok ng lalaking nakapahinga ang ulo sa bilugang hita ko at sinuklay ito ng marahan habang ang kanang kamay ko naman ay kusang natagpuan ang tamang papel niya ng ipagkait niya ni pagsilay ng sinag ng araw sa mukha ng binata.

Ginawa ko itong pangharang ng marinig ko ang mahinang pag-ungol niya ng isang beses siyang silayan nito. Hindi natutuwa, nalukot ang mukha niya na para bang naiirita.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago seryosong tumingala sa langit at marahang ngumiti.

Ito ang mga segundong habang buhay kong dadalhin hanggang sa pagtanda. Simple ngunit naghuhumiyaw ng kagalakan sa bawat parte ng pagkatao ko, ang makasama siya dito.

Ilang buwan o mas madaling sabihin na magiisang taon na ang nakalipas ng magkita kami dito. Mula noon ay nakasanayan na naming mag siesta dito kapag may oras. Kung hindi ako magisa, ay siya pero madalas ay magkasama kami.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at tinitigan siyang mabuti. His face looks peaceful, para bang wala siyang pinoproblema. Mula sa makapal na kilay nitong tuwid at ang mahahaba at pilantik na pilik mata nito na nakaarkong makurba pa rin pababa sa matangos na ilong hanggang mapunta sa basa at mapulang labi niya na parehong nakapiid sa isa't isa.

Gusto ko siya, tanggap ko na iyon pero kung ano man ang meron kami ngayon ay hindi ko alam. Wala rin akong alam tungkol sa nararamdaman niya.

Minsan napapaisip ako kung ano nga ba ako sakanya maliban sa kaibigan ako ng mga pinsan niya? Ano ang lugar ko dito? Like this special place of mine, am I special for him too? Am I his haven, too? His safe place where he finds solace?

Hindi naman ako pinalaki ng nanay ko na umaasa sa kung ano ang ibibigay ng ibang tao at maghahangad pa ng higit sa kung ano ang kayang nilang ibigay. Marunong akong makuntento sa nakukuha ko hindi lang dahil sa iyon ang turo sakin ni mama kung hindi iyon ang naramdaman ko sa piling niya.

Contentment.

When my father left, a huge part of me was taken away by him. Laging may kulang, ano nga ba naman kasi talaga ang alam ko sa pakiramdam ng mawalan ng isang tatay hindi ba? Bata pa ako noon. Walang kamuwang-muwang kaya sa paglaki ko ay dinala ko nalang at sinanay ang sarili ko sa pakiramdam na iyon.

Hindi rin naman nagkulang ang mama ko sa pagpupunan ng pagmamahal na nawala ng umalis ang papa ko. Sobra sobra pa nga ang natanggap ko kaya nakuntento ako sa punong puno na pagmamahal na binibigay niya sa akin.

Natuto akong tumayo sa sarili kong paa ng hindi dumidipende sa ibang tao.

Muli akong tumingin sakanya at pinaglaruan ang malambot niyang buhok. Ramdam ko ang init ng leeg niya. Kung ano man ang meron kami sa ngayon ay masaya ako. If this is friendship, may our friendship last. If this isn't, I'm still happy that I got the chance to look at him this close.

Abot kamay ko na but it was like the silence knew it better than us. That he was still so far from me to be reached.

Pero nakuntento nalang din ako sa kung ano ang meron kami ngayon. Masasanay din ako.

Stuck Forever With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon