SPOKEN POEM #5

46 1 0
                                    

"Wala Ng Tayo"

-

Kasabay ng pagdaloy ng luha sa aking mga mata,
Ay ang iyong paglayo at pagkalimot sa kung anong meron tayong dalawa
Puso'y nasaktan at tila huminto sa pagtibok
Nangangarap na sana'y isa lamang ito sa mga magdadaang pagsubok.

Ano nga bang nangyari sa ating dalawa?
Bakit ang pang habambuhay ay nauwi sa wala?
Asan na ang mga pangakong naibahagi sa isa't-isa?
Bakit tila nawalan ng saysay at naglaho na parang bula?

Noon, ang mga ngiti't tawanan ang nagsilbing pundasyon
Ngunit agad napalitan at ito'y naging isa na lamang imahinasyon
Ang dating masayang kwartong puno ng mga alala'y
Tila naging isang abandonado, ngunit hindi mapayapa.

Sa iyong pag-alis, masasayang sandali'y unti-unting nabaon
Tamis ng pagmamahalan noon ay isa na lamang parte ng kahapon
Maiibsan ang sakit ngunit alam kong hindi pa sa ngayon
Marahil ito'y maghihilom sa darating na panahon.

Tugma, Sukat At TanlinhagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon