Chapter 20

106 2 0
                                    


"Mahal? Kung naririnig mo man ako ngayon, sorry ha? Kung di dahil sakin sana wala ka dyan sa kinalalagyan mo ngayon. Ang tanga ko pala. Salamat sa mga sulat na ginawa mo at pinamulat moko sa katotohanan. I now realize your sacrifices. Ang hirap tanggapin na makita ka na nakahilata riyan at makikitang makina na lamang ang nagbibigay buhay sayo. Ang sakit sa damdamin na hindi na kinakaya ng katawan mo ang mga sakit na naranasan mo. Sorry. Im very sorry. Sana naririnig mo ako ngayon. May isang bagay akong gustong sabihin sayo. Gusto kong tuparin ang hiling mo. Ang hiling mo na maikasal tayo sa harapan ng diyos. Di hadlang ang iyong kondisyon para ikasal tayo. Gagawin ko ito di dahil sa naaawa ako sayo. Ginagawa ko 'to kase mahal kita. Malaking parte ng buhay ko ang nabago. Salamat sayo."

And I suddenly hold his hands remembering the times that were happy. Reminiscing our memories. Mahirap man ibalik dahil sa sitwasyon na ganito. Pinipilit ko paring magpakatatag.

"Andy anak? Heto na ang kontrata. Pumayag na din ang mga doctor at pastor na dito ganapin ang kasal. Bukas makalawa ay magiisang dibdib na kayo."

Mabuti naman kung ganon.
"Ma? Masyado ba akong naging mapanghusga? Masama na ba akong tao? Bakit nangyayari sa akin ang mga ganito?" Tanong ko sa aking ina.

"Anak. Alam mo na ang kasagutan sa mga tanong mong iyan. Nabasa mo ang nakasulat sa mga liham na ginawa ni Luca bago pa mangyari sa kanya ang lahat ng ito."

Nilisan ako ni mama ng mau lungkot na nababakas sa kanyang mukha.

Hinarap ko muli si Luca. "Mahal, eto na oh. Nasakin na yung contract para maikasal tayo diba ito ung gusto mo? Gagawin ko na. Alam ko na hindi sa ganitong paraan madaling mapapawi lahat ng mga sakripisyong nagawa mo para sakin. Pero sana maging daan to para sa unti unti mong pagpapatawad sakin. Bukas sa makalawa ikakasal na tayo. Ang pinakahihintay mong pangarap para sa ting dalawa, ako na mismo ang tutupad. I love you mahal."

The Dying Heart Of A Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon