Chapter 15
Feelings
Nabigla ako sa sinabi niya, ang tagal namin nagkatitigan. "Shar?" Tawag niya sa akin kasi hindi ako nasagot. "Hindi ba parang mabilis Donny?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti siya. "Hindi ko naman sinabing tayo na agad e, ang sabi ko gusto kita. Getting to know each other pa lang tayo." Tahimik lang ako, grabe yung tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung kilig, saya, o kabado.
"Donny, masaya ako kapag kasama ka. Sobra. Lagi mo ako napapangiti at napapatawa sa mga simpleng bagay. Yung ugali mo, sobrang ganda." Ngiti kong sabi. Hindi ko pa masabi na gusto ko siya, pero sana gets na niya yun. "Getting to know each other, na tayo panget. Don't worry, we will take it slow." Ngiti niyang sabi.
Napangiti ako, nakakatuwa lang yung lalaking ganon. Hindi nagmamadali, naku naman Donato oh! Lalo ako nahuhulog.
Tuloy lang kami sa movietrip ng dumating na yung dalawa kong besh. "Ay kabog! May bisita pala si besh." Asar agad ni Miles pag pasok niya at pagkita kay Donny. "Sira!" Sagot ko pabalik. Tumayo si Donny at bumati kay Miles. "Bumili na kami ng food para dinner natin." Sabi ni Sunny, habang inaayos yung pagkain. "Aba! Galante niyo ngayon ah. Salamat." Asar ko sa dalawa.
Ngumisi si Miles. "Anong salamat? Utang to!" Sagot niya. Tunawa na lang ako. Pumasok muna siya sa kwarto niya para mag ayos. Lumapit ako kay Sunny, sa may kusina. "Ako na dyan besh, mag ayos kana muna." Sabi ko kay Sunny , kasi alam kong pagod din to. "Sigesige, salamat besh." Pumasok na din siya sa kwarto niya.
Inaayos ko na yung pagkain nang lumapit si Donny. "You need help pangs?" Tanong niya. "No na, kayang kaya to." Sabi ko. "Okay, here na lang ako para nakikita kita." Sabi niya. "Sira ka talaga!" Tumawa siya. "Baka kasi lagyan mo ng gayuma yung pagkain ko e." Hinampas ko nga. "Kahit di ko na lagyan, gandang ganda ka naman sa akin e." Asar ko.
Umakto siya na parang nasusuka. Di ko na lang pinansin at kumuha na ako na mga plato at ilalagay na sa lamesa. "Ako na." Sabi ni Donny at kinuha niya na sa akin yung mga plato. Ngumiti na lang ako. "Salamat. Kukuha lang ako ng spoon and forks pangs." Sabi ko at kumuha na ako.
Lumabas na din yung dalawa kong besh sa kani kanilang kwarto. "Tara, kain na tayo." Yaya ko sa kanila. Pumunta na naman sila sa lamesa.
Kumakain na kami at shempre kwentuhan padin. "Grabe talaga. Yung pagod ko lampas na sa akin." Sabi ni Sunny. "Ako din! Ayoko na. Suko na ako sa life." Sabi ni Miles. "Laban lang mga besh! Laban lang!" Sabi ko sa kanila. "Buti na lang talaga, masipag ako." Sabi ni Miles. "Talaga ba?" Asar ni Sunny. Inirapan na lang siya ni Miles. Tumawa si Donny.
"Tatawa tawa ka dyan? Baka gusto mong hampasin kita dyan." Asar na sabi ni Miles. "Wag po. Sorry na po." Madramang sabi ni Donny. "Uy, besh easy ka lang. Baka magalit si panget niya." Asar ni Sunny, sabay tingin sa akin. "Hala! Oo nga. Sorry besh." Asar din ni Miles. "Kayong dalawa hampasin ko dyan e!" Sabi ko. "Hala, nagalit na talaga. Sorry na nga e. Di ko na sasaktan tong panget mo." Sabi ni Miles. Tumawa si Sunny at Donny, inirapan ko na lang siya.
Patapos na kaming kumain at kitang kita ko sa mga mata ng dalawa kong besh yung pagod. "Mga besh, kami na maghuhugas at mag aayos nito. Pahinga na kayo. Pagod na pagod kayo e." Sabi ko sa kanila. "Uy, salamat besh ha." Sabi ni Sunny. "Bawi kami next time. Alam mo namang ayaw namin talaga ng Monday." Sabi ni Miles. "Wala yun. Drama naman ng dalawang to, di bagay uy!" Asar ko sa kanila. "Bakit? Sino ba bagay? Kayong dalawa?" Asar ni Miles habang tinuturo kami ni Donny. Tumawa naman agad si Sunny. "Nice one besh!" Apir niya pa kay Miles. "Oh edi kayo na pala magligpit." Sabi ko. Tumawa naman si Donny. Aba! Supportive HAHA.
"Joke lang! Di ka mabiro." Madramang sabi ni Miles. Tumawa na lang kaming lahat. Natapos na din kami. "Besh, pasok na ako ha. Antok na talaga ako. Ingat ka pag aalis kana Donny." Paalam ni Sunny. Ngumiti na lang kami ni Donny, tas pumasok na siya. Umiinom pa ng tubig si Miles. "Ako din besh mauna na ako. Feel ko naman gusto niyo na talaga akong pumasok para may moment kayo." Asar ni Miles. "Halata na ba masyado?" Sabi ni Donny. Napatingin ako sa kanya. "Uy!! Yieeeee! Iba ha, iba!" Asar pa ni Miles. Kinurot ko na lang siya. "Pumasok ka na nga lang don." Sabi ko. "Uy, excited sa moment nila." Asar pa ni Miles. Tinignan ko na siya ng masama.
"Ito naman! HAHA. Sige na. Good night pangets!" Asar niya pa ulit bago siya pumasok na sa kwarto niya. Sinimulan na namin mag ayos ni Donny.
"Ako na maghuhugas." Prisinta ni Donny. "Uy, wag ako na. Bisita ka dito, tapos ikaw maghuhugas." Sabi ko. "Okay lang naman e." Pilit niya pa. "Ayoko, ako na. Kahit mag punas ka na lang dyan sa lamesa." Sabi ko. "Sure kaba dyan?" Seryosong tanong niya. "Oo naman. Sige una." Ngiti kong sabi habang pumunta na akong lababo.
Naghuhugas na ako nang magsimula siyang magkwento tungkol sa kanilang magpipinsan. "Sobrang close niyo na talaga no?" Tanong ko. "Sobra! Parang magkakapatid na kaming tatlo e. Hindi mo talaga kami mapaghihiwalay." Sabi niya. "Edi good yun. Instant brother kasi only son ka e." Sabi ko, nakwento niya din kasi na only son lang siya e. "Totoo yun, parang hindi ko ramdam na only son ako kasi meron akong dalawang yun." Masayang sabi niya. "Nice nice! Kaya maski sa court nadadala niyo yun e. Kitang kita." Sabi ko. Iba din kasi yung chemistry nila sa loob ng court.
Ngumiti siya. "Naks! Sports analyst." Asar niya. Tumawa na lang ako. "Tapos na ako." Sabi ko pagtapos kong maghugas at maayos yung mga plato at iba pa. "Ako din." Sabi niya. Lumapit na ako sa kanya. "Mag 9 na pala, di ka pa ba hinahanap sa inyo?" Tanong ko. "Alam naman nila na may pinuntahan ako. Pero uuwi nadin ako para makapagpahinga ka." Sabi niya. Ngumiti ako. "Naks! Sige hatid na kita." Sabi ko.
Kinuha niya na yung gamit niya at hinatid ko na siya sa may gate. "Thank you sa bisita and sa jabee. Napasaya mo nanaman ako." Sabi ko sa kanya. "No worries, mas napasaya mo ako today." Sabi niya. Ngumiti ako. "Btw, yung sinabi ko kanina. Totoo lahat yun ah, walang halong biro. Seryoso ako." Sabi niya. "Okay. Getting to know stage." Sabi ko at ginaya ko yung getting to know na sinabi niya kaya napatawa siya ng onti. "Yes. We'll take it slow." Ngiti niya. "Sige na! Ingat. Drive safely, okay? Text me when you're home na pangs." Sabi ko. "Yes pangs." Sumakay na siya ng kotse niya at nagbumisina na siya at kumaway na lang ako.
Pumasok na din ako nilock ko na lahat at derecho kwarto na din. Nagwash up na din ako.
Pagtapos kong magwash up. Chineck ko agad yung phone ko.
From: Panget
Jgh pangs. Thank you for today. Ang saya ko talaga kapag kasama ka. Don't forget yung mga sinabi ko ha? Totoo lahat yun. :)
From: Panget
Wash up lang ako at magayos na din ng onti. Wag mo ako mamimiss!
To: Panget
Good good. Thank you din for today pangs. Naks! Likewise. You're really making me happy. GTKS. :) :p
Tapos na ako mag shower and I'm sleepy na kaya bilisan mo!
After 5mins nag reply na siya.
From: Panget
Yes yes. GTKS.
Miss mo naman ako agad! Pero sleep na tayo? :)
To: Panget
Edi wow. HAHA. Yes yes! :) Good night panget!!
From: Panget
Good night my panget. :) <3
Napangiti na lang ako sa text niya at natulog na din.
——————————————————————
Chap 15 done! :) 10+ votes for Chap 16.
Medyo magiging mabagal bagal yung UD ha, kasi po mag aasikaso na sa college. :-(
YOU ARE READING
Right Timing
Teen FictionAng tadhana ay minsan mapaglaro, minsan kakampi minsan kalaban. Ang tanong, dapat mo bang pasalamatan o dapat mo bang kainisan?