Chapter 22

265 13 1
                                    

Chapter

22

   “Wala na po si Mr. Daniel Manansala.” bigay-alam ng doktor. “Mauuna na po ako.”

   Napaupo si Daisy, hindi siya umimik. Tila hinigop ang kaluluwa niya mula sa kanyang katawan. Nag-umpisa na siyang humagulgol. Si Julia din ay hindi kaagad nakaimik. Parang pati ang pangalan niya ay nakalimutan niya noong mga sandaling iyon.

   “Hindi. Hindi siya pwedeng mawala. Nay, hindi. Hindi pa siya patay.” bigkas niya sa ina. Umiyak siya at nagwala.

   “Anak....” tahan ng ina.

   “Hindi siya patay! Hindi!” pilit niya.

   Pumunta sila sa morgue para makita ang katawan ni Daniel. Nakahiga na siya doon at isa nang malamig na bangkay. Unang lumapit sa higaan ay ang kanyang inang si Daisy. “Anak ko!” sigaw nito. Walang hanggang luha ang tumulo sa mga mata nito. Pagkatapos niya ay sumunod naman si Julia. Parang kalian lang ay magkasama sila ni Daniel pero ngayon hindi niya lubos maisip na wala na ang kaibigan.

   “Daniel. Bakit hindi ka lumaban. Bakit mo ko iniwan. Daniel!” iyak nito. Pati ang inang si Josephine ay dinamayan siya sa pag-iyak.

   Makalipas ang isang oras ay inaya ni Josephine si Julia na umuwi muna. “Anak, magpahinga ka muna sa bahay. Ako nang bahalang magbantay kay Quen. Marami ka ring napagdaanan.”

   “Sa ngayon Nay wala akong nararamdamang pagod o kung ano. Gusto ko lang mapag-isa.” sabi ni Julia.

   “Tumawag na ako ng taxi sa labas. Sige na, dun ka na lang sa bahay magpahinga.” samo ni Josephine. Wala na ring nagawa si Julia kaya ihinatid na rin siya ng ina palabas ng ospital.

   Pagkarating ni Julia sa bahay, may nagkakantahan pa sa kapitbahay nila. Kinakanta ang kantang “I’ll Never Go” ni Erik Santos. Naalala niya ang kantang ito. Ito ang unang kantang kinanta sa kanya ni Daniel noong nagsimula itong ligawan siya. Tanda niya pa ang sandaling iyon. Maraming tao sa paaralan pero hindi nahiya si Daniel na gawin yon dahil sa labis na pagmamahal niya kay Julia. Malinaw na malinaw sa kanya ang mga linya ng kanta:

For how many times i told you 

I love you for this is all i know 

I'll never go far away from you 

Even the sky will tell you 

That I need you so 

For this is all I know 

I'll never go far away from you

   Sinisi niya ang sarili niya. Hindi man lang niya nagawang protektahan ang kaibigan kahit minsan, pero lagi siyang pinoprotektahan nito. At ngayon, pati buhay niya ay binuwis niya para sa dalaga.

   Pagkahiga ni Julia sa kama, naalala niya lahat ng mga pinagsamahan nila ni Daniel. Mula noong High School pa sila hanggang sa muli silang magkita. Hindi mapigil ang mga luhang lumalabas sa kanyang mga mata, hanggang sa nakatulog na lang siya.

***

   Kinabukasan ay naabutan na niya ang kanyang ina sa bahay nila.

   May linapag na dyaryo si Josephine at kinuha naman ito ni Julia. Headline nito sila Janet at Lucas. ‘Janet Yncierto, kulong sa pagpatay sa tanyag na si Harrison Elizalde. Lucas Celerez, kulong pa rin dahil sa kasong attempted murder’.

   “Oh nak. Si Quen ayos na. Nagka-malay na siya pero pinagpapahinga pa rin siya ng doktor.” balita ng ina. Hindi umimik si Julia. “Sa isang araw na pala yung libing ni Daniel. Ililibing siya dun din sa lugar kung san linibing yung tatay niya.”

Case Closed: A Recipe For DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon