Kaibigan (Oneshot)

81 6 3
                                    

Naglalakad ako ngayon sa corridor at alam kong nakatingin saakin ang lahat, paano ba naman may nakalagay na naman saakin na isang 1/8 illustration board na may nakalagay "WAG NIYO AKONG GAGAYAHIN, ISA AKONG MAINGAY NA BATA." Hindi ko nalang mapigilang mapatakip ng mukha habang nakasabit ito sa leeg ko.

"Sa susunod na mahuli ko pa ikaw na dinadaldal yung classmate mo I'll punish you more than this." Panenermon saakin ni Ms. Mataray habang inaabot ko sakanya yung illustration board na kaninang nakasabit sa leeg ko.

"Yes Ma'am tatahimik na po ako." Energetic kong sabi at ngumiti ng napakalapad pero dahil tinaasan niya ako ng kilay kaya  yuko nalang ako ng abutin niya na yung illustration board.

"Very good Ms. Tambakol, kahit na alam kong hindi mo yun matutupad." Tumalikod na siya at naglakad na palayo saakin. Eto na yung panahon na pwede ko ng madaldal yung mga kaibigan ko.

Taas noo akong pumasok sa classroom para di naman masyadong nakakahiya yung ginawa kong pagbalandra ng aking magandang MUKHA. Dali dali akong pumunta sa umpukan ngmga kaibigan ko na alam ko naman na ako lang ang pinagchichismisan.

"Jenna kumusta mag SIGHT SEEING?" Emphasizing SIGHT SEEING talaga? Napangiti naman ako sa tanong ni Rea saakin na alam kong inggit na inggit.

Sinong hindi maaiinggit kung makikita ko ang lahat ng crush ng mga kaibigan at classmate ko na nakatitig saaking maganda MUKHA.

"Aba syempre madaming magagandang tanawin, sayang nga lang at nahihiya akong tignan sila, kasi nakasunod talaga yung tingin nila saakin." Pagpapaliwanag ko sakanya.

"So Nakita mo si Vincent?" Tanong naman saakin ni Leila habang sinusubo yung pagkain niya.

"Oo, no offense Leila at Gina titig na titig saakin yung mga crush niyo." Pagmamayabang sakanila sabay tayo at lagay ng isang kamay ko sa bulsa at tawa ng malakas.

"Kayabangan mo Tambakol!" Napahawi nalang ako ng bangs ko ng puriin na naman ako ni Rea.

"Well! Don't blame me guys, too famous ey!" Walang tingin tinging umupo ako sa upuan ko at pinakinggan nalang ang pagpuri nila saakin.

    *******

"Jenna Tambakol! LOWEST KA NA NAMAN?" Napatayo ako sa upuan ko ng marinig ko ang malakas na boses lata ng teacher naming si Ms. Tandang habang hawak ang one fourth paper.

"Ako daw?" takang tanong ko habang nakaturo sa sarili ko. Lumingon ako kila Rea, Leila, at Gina  para itanong kung ako nga pero di pa nakakabukas ang bibig ko ay tumango tango na agad sila with matching 'Halaka-lagot-ka-look-at-sign na ikinatakot ko.

"Simpleng paghahanap lang sa value ng X di mo pa magawa? Ano ba to?" Tanong saakin ni Ms. Tandang na alam naman naming lahat na matandang dalaga akya grabi makaputak.

"E kasi naman Ma'am, Single ako since birth tapos papahanap niyo saakin yung value ng X. NBSB ako kaya di ko alam ang pakiramdam ng magkaganun at magkaroon ng X, ni magmahal nga Ma'am ey" 

Kaibigan (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon