“ang ganda mo” napabulong ako kay Joey.
Joey’s P.O.V.
Huh?!?tama ba narinig ko? Pero hindi ko na sya tinanong kung ano ang sinabi nya. Baka masabihan pa akong bingi, mahirap na. Ako kaya ang malakas mambara pagdating sa mga ganitong sitwasyon. Ewan ko, pero ramdam ko na lahat ng dugo ko sa mukha ko eh nasa pisngi ko. Pakshet, ang pula ko, sana hindi mahalata.
Nagcommute lang kami papuntang Continental. Nakarating na ako dito, pero sa naririnig ko, lagi daw may bago every 3 months, o di kaya may renovation na nagaganap. Madalas mga high-end profile ang mga taong nanagpupunta dito, pero kakilala ko ang isa sa mga staff dito kaya nakakapasok ako dito. May exclusive pass kasi dito bago makapasok. Paano kaya kami makakapasok? Hmmm… Sino kaya sa dalawang ito ang may connection sa loob. Napaisip ako dahil masyadong private ang place.
Naglibot ang paningin ko sa bar. Ibang iba na ang itsura ng place. May bouncer na nakaharang sa pinto. Nakita ko si Mark na may kausap sa CP. “Nakausap ko na yung pinsan ko, si Kenneth. Antayin na lang daw natin ang confirmation mula sa bouncer.” Si mark pala ang may connection dito. Madalas kaya sya dito? Nasabi ko sa isip ko na mukhang sagot sa tanong ko. Tinawag si Mark nung bouncer. May binubulong. Maya maya lumapit na sya sa amin “Tara na…” pagyayaya nya. “Sino si Kenneth? I mean, ano ang connection ng pinsan mo dito?” tanong ni Marie. “Isa sya sa mga investor ng bar na ito.” Tipid na sagot ni Mark.
Sa loob, binati si Mark ng isang waiter. “Sir Mark, good evening. Ilan po kayo?” salubong sa amin. “4 kami, dun na lang sa medyo sulok.” “Sir, dito po.” Sabay usher sa amin dun sa isang table na pang 4 na tao. “Sir pasensya na, occupied po kasi lahat ng private table. Ito lang po ang available.” Tiningnan kami ni Mark na parang nagtatanong kung ok lang sa amin yung table. Tumango kaming 3. Pero hindi sabay sabay. OA naman. Nang makaupo kaming 4, umorder na si Mark ng hindi tumitingin sa Menu. Bale ang upo namin ay katabi ko si Marie, katapat ko si Mark (you do the MATH!) “Hoy, Mark. Hindi mo naman kami natanong kung ano ang order namin. Mukhang sanay na sanay ka na dito ah?” Pauna ko sa usapan. “Oo, madalas kami dito ng pinsan ko. Di ba sya nga ang isa sa investor dito. Nasigawan pa ako kanina. Magkasama na daw kami kanina, hindi ko pa sa kanya sinabi na pupunta ako dito. Hahahaha” ang cute naman ng ngumiti ni Mark. Alam nyo yung smile na kasama ang mga mata?!? Ganun, nawawala ang mata nya. Mala-Coco Martin lang. Ay, lande! Hahahaha pagsasaway ko sa sarili ko. “Ano ba inorder mo? Baka hindi naman namin kaya ang ambagan mamaya.” tanong ni Marie na nag-aalala. “Oo brad, baka maiwan tayo dito para magdayag at maglinis.” Sundot ni Vincent na mukhang nag-aalala din. “Basta mag-ambag kayo kung ano kaya nyo, ako na bahala sa matitira.” Sabi ni Mark. “Sus, yamang (Yaman + Yabang = Yamang :D) mo.” Nginitian lang ako ni Mark.
Dumating na ang in-order ni Mark. Isang bote ng Captain Morgan, 1 order ng Taco, 2 pitcher ng Cola, 1 order ng sisig (extra rice please, pakibalot! Joke lang…) Nag-inuman kami at nagkukwentuhan tungkol sa buhay buhay namin. Ng biglang tinugtog ng banda ang kanta ng Up Dharma Down na Luna. “Whoah…” pabulong lang ang sabi nya, pero narinig ko. “Gusto mo yung kanta ‘noh?” pagtatanong ko sa kanya. “Oo, ang ganda kasi nung lyrics.” Nginitian ko sya at sinabayan yung kanta
“Minamasdan ang saya ng puso mo,
Sa piling ng iba.
Inaasam, ang paglaya ng buwan,
Na laging mag-isa.”
“yan ang gusto kong linya sa kantang yan.” Pagpapaliwanag ko sa kanya. Hindi ko napansin na nakatitig pala sya sa akin habang kumakanta. Umakyat na naman ang lahat ng dugo ko sa pisngi ko. Buti na lang at madilim yung lugar. “Magaling ka palang kumanta.” Puri nya sa akin (o baka naman nang-aasar lang) “Gago, pang-banyo lang boses ko.” “Pwede bang maging audience?” singit ni Vincent. Kanina pa pala nakikinig si Vincent sa akin na kanina lang ay parang may sariling mundo yung dalawa ni Marie sa usapan nila. “Oy…oy… tigilan mo ako Vincent.” Hindi kasi ako komportable kapag tungkol na sa… alam nyo na… ang usapan. “Pasimple’ ka rin bumanat ha.” Banat ni Marie kay Vincent. At tumawa lang si Vincent kay Marie. Nadala na kami ng tawa ni Vincent at nagtawanan na kaming 4.
BINABASA MO ANG
Si Crush
RomanceAng istoryang ito ay pawang kathang isip lang ng manunulat. Tungkol sa isang babae na nagngangalang Joey na BFF ni Marie na may crush kay Mark na may gusto kay Joey na gusto rin ni Vincent. Ok nakakahilo ba? well, basahin nyo na lang. (",)v