Chapter 17: WHAT TO DO

823 17 4
                                    

Komportable akong nakayakap kay Ghyan ngayon. Naramdaman kong hinalikan niya ang noo ko. That’s the sweet part of Ghyan, gustong-gusto ko talaga kapag hinahalikan ako sa noo. Kasi pakiramdam ko he really respect me, and he cares for me. Masaya ako ngayon, bahala na bukas… Sasabihin ko ba kay mama na hiwalay na kami ni Kiro at kami na ni Ghyan?

“Tabs…” tawag niya sa akin, na nagpabalik sa akin mula sa malalmi na pag-iisip

“Bakit?”

“Ayos lang sa akin kahit hindi mo na muna sabihin sa mama mo ang tungkol sa relasyon natin, ayokong mabigla siya sa paghihiwalay niyo ni Kiro. Ang mahalaga sa akin ngayon ay tayong dalawa na ulit.” Sabi niya, na parang sagot sa nasa tanong sa isip ko.

“Salamat at naiintindihan mo.” Niyakap ko siya ng mahigpit.

“Hatid na kita sa inyo, araw-araw ka na lang kasing ginagabi eh. Atleast ngayon hindi ko na kailangang habulin ang pitong araw. Thank you Tabs, pinasaya mo akong talaga.”

Hinatid niya na ako sa bahay, dumiretso ako sa kwarto ko. Nagsulat ako sa diary ko na para kay Kiro, naligo at pagkatapos non ay tinawagan ko si Moo.

“Oh, wala na akong utang sa’yo diba?” si moo.

Natawa naman ako sa kanya. “Marami ka pang utang sa’kin mga isang drum pa.”

“Wala na kaya. Hmm, seryoso na. Anong kailangan sa akin ng bestfriend ko?”

“Pag tatawag ba may kailangan agad, hindi ba pwedeng namiss ka lang?” sinabayan ko ng tawa pagkatapos kong sabihin iyon.

“Baliw na naman po si Moo, anong nakain mo?”

“Ang pagmamahal mo. Ayieh!” nasimulan ko na namang pagtripan ang bestfriend ko, nagtuloy-tuloy na. ^_______^

“Hindi ka pa nakakain noh?”

“Tapos na kaya.”

“Oh bakit ka nga napatawag?”

“Babalitaan lang kita, ayokong sa iba mo pa malaman eh…” sinadya kong ibitin ang mga susunod kong sasabihin.

“Ay ang lakas talaga ng trip niya oh. Ano nga?”

Tumawa na naman ako, napipikon na siya. Ayaw niya talaga ng binibitin siya. “Kami na ni Ghyan.”

Walang nagsalita sa kabilang line. Bigla tuloy akong kinabahan. Ayaw kaya ni Moo sa naging pasya ko?

“Moo, nandyan ka pa ba?”

Isang buntong-hininga ang narinig ko.

“Moo?” hays. Hindi pa din siya nagsasalita.

“Masaya ako para sa inyong dalawa, desisyon mo yan eh. Pero sana hindi muna ngayon, hindi ka pa masyadong nakakamove-on kay Kiro.”

Ako naman ang walang masabi, may point siya. Bigla tuloy naging sad ang masayang mood ko.

“Opinyon ko lang naman iyon moo, wag mo sanang masamain. Masaya naman talaga ko para sa inyo ni Ghyan, kasi dati pa man boto na ko sa kanya. Wag mo nang isipin yong sinabi ko.”

“Salamat moo, sige bye. Tumawag lang naman ako para sabihin sa’yo.”

“Wag sumimangot dyan, wag mo na ngang isipin yong sinabi ko. Wala na akong sinabi, bye.”

Wala na sa kabilang linya si moo, pero parang paulit-ulit sa utak ko ang sinabi niya.

sana hindi muna ngayon, hindi ka pa masyadong nakakamove-on kay Kiro.

Mali ba talaga, nadala lang ba ako masyado ng effort ni Ghyan? Hays. Hindi ko na alam kung ano ang tama at ang mali ngayon. Mali ba ang maging masaya naman ako? Mahal ko naman si Ghyan eh, hindi nga lang tulad ng pagmamahal ko kay Kiro T______________T

I HATE YOU THEN I LOVE YOU *fin*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon