Chapter 21: GHYAN T.T

839 18 19
                                    

Nagmamadali akong nagpunta sa playground, ewan ko ba pero hindi na ako mapakali simula ng tumawag si Jenith sa akin. Nakita ko na siya, nakaupo siya sa swing na paborito niya upuan dati pa man. Bumagal ang mga hakbang ko ng mapansin kong may luhang masaganang umaagos sa kanyang mata.

Napansin niya siguro ang presensiya ko, tumingin siya sa akin at agad na nagpahid ng mga luha. Masaya naman kami lagi ah, bakit umiiyak siya ngayon? Ano bang nagawa kong mali?

Lumapit na ako sa kanya. Sinenyasan niya akong umupo sa swing. Sinunod ko ang sinabi niya.

“Anong problema bakit ka umiiyak?” tanong ko sa kanya.

“I’m sorry”

“Ano ba kasing nangyari? Bakit ka umiiyak at bakit ka nagso-sorry?” hindi siya sumagot, bagkus ay umiyak lang siya.

Ano ba kasing problema? Wala akong kaalam-alam sa nangyayari. Anong dahilan para umiyak siya? Mahigit isang buwan na nang makita ko siyang umiyak ng ganyan.

“Tabs…” umalis ako sa swing at umupo ako na pa-squat  sa harap niya.”Ano ba kasing problema? Magsalita ka naman. Paano kita matutulungan kung ayaw mong magsalita. Family problem ba?”

“Nakita ko si Kiro kanina.” Sabi niya sa kabila ng pagluha.

Hindi ko alam ang sasabihin. Nakita niya si Kiro, at nagso-sorry siya sa akin. Anong gusto niyang iparating? Makikipagbreak na ba siya sa akin at hindi niya masabi dahil alam niyang masasaktan ako?

“Makikipaghiwalay ka sa akin?” tanong ko sa kanya.

Tumayo siya sa swing, napatayo din ako. Niyakap niya ako ng mahigpit.

“I’m so sorry, kanina nong makita ko siya, alam ko sa sarili ko sa kanya lang ako sasaya. Patawarin mo ako, alam kong pag pinagpatuloy pa natin ang relationship natin magiging unfair lang ako sa’yo. Ayokong masaktan kita lalo.” Umiiyak pa din siya habang nakayakap sa akin.

Parang gusto ko na ding umiyak, nasasaktan ako ng sobra. Nasasaktan ako dahil sa kabila ng lahat ng ginawa ko para sa kanya, hindi niya pa din ako nagawang mahalin katulad ng pagmamahal na ginawa niya kay Kiro. “Shh. Tabs, okay lang…”

Okay lang? para akong pinapatay habang sinasabi ko iyan. Pero alam kung gagaan ang pakiramdam niya kapag iyan ang mga salitang sinabi ko.

“Tabs, mahal na mahal kita alam mo yan, kaya ayos lang sa akin. Kung sa kanya ka magiging masaya, magiging masaya na din ako para sa’yo.”

 “I’m sorry Yats, mahal mo ako, pero mahal ko siya.”

Tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan, sobrang sakit. Hinigpitan ko ang pagyakap ko sa kanya, ayokong makita niya ang pagluha ko.

Pinilit kong magsalita ng maayos. ”Tabs, alam ko naman sa umpisa pa lang na ako ang talo dito eh. Pinilit kitang pagbigyan mo ako, hindi ko nga naisip na papayag kang maging boyfriend mo ako ulit. Napakasaya ko kasi naging akin ka kahit sa loob lang ng isang buwan, wag kang mag-alala, kahit hindi mo na ako boyfriend nandito pa rin ako para sa’yo.”

“Please Yats, magalit ka na sa akin. Wag kang maging mabait ng sobra sa akin, lalo akong nagu-guilty. ”

“Wag kang ma-guilty, wala kang kasalanan. Ako ang may kasalanan, kung hindi ako bumalik hindi ka naguguluhan ngayon.”

Kinalas ko ang pagkakayakap niya sa akin, pinunasan ko ang luha ko. Salamat at nakayuko siya, hindi niya nakita ang pagluha ko. Hinawakan ko ang baba niya at pinunasan ko ang luha sa kanyang mga mata. Hinalikan ko ang labi niya at niyakap ko siya ng mahigpit yong tipo ng yakap na parang ayoko ng matapos. Dahil alam ko pagkatapos ng yakap kong ito sa kanya, hindi na siya akin.

“Tabs umuwi ka na sa inyo.” Kinalas ko ang pagkakayakap ko sa kanya at pinaikot ko siya patalikod sa akin. “Wag kang lilingon sa akin kasi kapag lumingon ka, hinding-hindi na kita ibibigay sa kanya.”

Kahit alam kong mabibigo ako, umaasa pa din akong lilingon siya sa akin. Nasasaktan ako kasi nakikita ko siya habang palayo sa akin. Tumulo na naman ang luha sa mata ko, hindi ko akalaing iiyak ako ng ganito.

-----

 baliw si YURi nang sinulat niya yan ..

nasa isip ko pa lang siya, umiiyak na ko. tapos nong tinatype ko na, sumasabay luha ko. HAHAHAHAHA

iyakin kasi ako, kapatid ko yata yan si Jenith eh :D

honestly, hindi ko naexplain ng mabuti ang mga gusto kong mangyari dyan. if may time na ko, try ko edit yan :))

sorry if nalungkot kayo sa nangyari, wag kayong mag-alala nalungkot din ako ..

** try ko mag-update pag kinaya na ng powers, 6 majors kasi ako ngayon kaya patayan talaga :)

sana naiintindihan niyo. wag niyo ko sakalin kung palagi kayong nabibitin ..

gusto ko na nga to tapusin para wala na akong ibang iniisip eh HAHAHAHA

I HATE YOU THEN I LOVE YOU *fin*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon