ako nga pala 'yung SINAING mo

230 9 1
                                    

Ako nga pala yung SINAING mo.
Ni: Kuya_Ian
Heto ako, nakasalang na naman sa mainit na apoy ng iyong pagmamahal.
Pagod na ako at pinagpapawisan at alam ko na 'di na rin ito magtatagal.
Subukan mong pahinaan ang alab at tiyak na hinding-hindi ka susugal,
Hinding-hindi ka susugal kapag ako ay iyo ng iniwan.

Sa lahat ng bagay e, ako lang ata yung laging nakakalimutan,
Laging iniiwan at laging napapabayaan,
At sa lahat ng iniiwan ako lang 'ata yung siguradong sigurado na panget ang kalalabasan,
Pero sigurado akong magugustuhan naman ako ng iyong mga magulang.

Ang pag-iwan mo sa akin ay nag-iwan ng marka sa aking puso,
Tumigas ito--- singtigas ng maiisip mo na bato
Naging itim ang budhi ko,
Ng dahil lang sa pag-iwan mo.

Iniwan mo ako, dahil sa pagod ka na,
At napukaw na ang atensyon mo ng iba,
Pero nandito ako,
Umaasang babalikan mo.

Ako ang sinaing mo,
Na kapag iniwan mo e, magagalit ang nanay mo.
Pero sumuway ka pa rin,
Iniwan ako pero ikaw din ang kumain.

Ako ang sinaing mo,
Na nilinis ako gamit ang mga luhang naimpok mo kakaiyak sa dati mo,
Ako ang sinaing mo,
Na laging maghihintay sa'yo.

Pero wala e,
Pasensya na kung napaso ka sa init ng pagmamahal ko,
Eto na naman at niluluwa mo ako.
Pero tandaan mo at tatandaan ko, na hindi na ako babalik sayo matapos na iluwa mo.

Ako nga pala yung SINAING --- este SINAYANG mo.

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon