KABANATA 3

12 1 0
                                    

Mad - Mandy

Present

Marchelle POV

"Hmmmm.. "

"Arthur........ Im sorry. I love you. I love you. Im sorry"

"Hmmmmmm"

Napailing na lang ako. Nakaka-awa na nakakainis. Pero iniisip ko, mabuti na lang at dito siya nagkakalat kesa mapunta siya sa ibang bar. Siguradong masasamantala lang ang babaitang ito.

I own this, "Raprinlemamar" bar and restaurant kung saan naglalagi at nag cecelebrate ng kapighatian itong si Amanda January sa long lost retired love niya. Oo tama kayo, lost na at retired pa. E, kung sa hindi ko lang naging matalik na kaibigan ito malamang matagal ko nang kinurot ng nail cutter ang singit at binunot isa isa ang tutsyang gamit ang nipper ang isang ito.

Nungka naman magcelebrate ng monthsary ha! Hindi lang anniversary! Monthsary! Buwan buwan walang mintis every 3rd day of the month and 3rd of August naman pag anniversary. E buti nga sana kung may kasama mag celebrate ang kaso, DEADS na ang jowa! 5 years na. Hindi uso move on. Tsk. Tsk. Tsk.

Kung di ko pa alam sana ang kwento malamang may pektus at kasamang Cobra pa ito sa akin. Ang kaso, aminin man at sa hindi, naiintindihan ko naman ang pinagdadaanan nitong babaeng ito. Hindi madali mag move on kung nabubuhay ka sa guilt.

Co owner ko ang pinsan kong si Aprielle sa bar and restarant na ito. Kung mapapansin nyo full name ni Mandy ay Amanda January, si Peb naman o Phoebe (sa gabi) at Pebrero sa totoong buhay, ako naman ay Yna Marchelle. So, yes pa po sa obvious. Kumpleto po ang first quarter of the year. I thank you, bow.

I heard her phone ringing. Malamang si Peb na naman ito, checking if his best friend is still alive. At hindi pa nabiktima ng alcohol poisoning. Alcoholic na nga kasi ata ito si Mandy!

I sighed, at tinapik ko na ang braso niya.

"Hey! Mandy."

As usual, hindi naman siya agad nagigising sa simpleng tapik lang. Kaya sinigawan ko na siya straight to her ears. And viola! She's awake. But not sober enough yet, I know. Who would? Kung lumaklak ka ng mag-isa tapos depressed ka pa di ba? I rolled my eyes with the thought.

"Hey, wake up! Kanina pa tumatawag si Pebrero. Happy anniversary by the way!" ngumiti lang ito sa akin at nag-angat ng kaunti ng mukha upang sagutin ang tawag ni Pebrero.

"Hi, yeah. Happy anniversary Peb. Yes. Pauwi na. I love you Peb."

Sweet. Akala mo talaga mag-jowa. Kung hindi ko lang nakilala na babading bading itong si Peb, malamang na bigyan ko na talaga sila ng malisya.

Natapos ang tawagan nila and the Mad Mandy ay dumukdok na naman ulit sa bar counter. For the nth time, bumuntong hininga na naman ako. Seriously? Ito na lang ba talaga gagawin ko buong gabi? Tsk.

Inikot ko ang mata ko sa buong resto bar. Unti unti nang nagiging mausok at kabikabila na din ang ingay dahil nagdadatingan na ang mga tao para sa gabing operation namin.

Jeez! Nakakakunsumi ang babaeng ito. Tinapik tapik ko siya ng maka-ilan ulit.

"Amanda January! Dumadami na ang guests."

"Hey! Mandy wake up."

"Uggghh,.." ungol lang ang isinagot niya sa akin.

Inangat nito ang ulo mula sa pagkakalugmok sa bar counter. Kahit monthly niya talaga ito ginagawa, hindi kailanman nasanay ang tolerance nito sa alcohol.

I got pissed! I shouted her name. And at that, dahil napalakas ata ang tawag ko kay Amanda, napansin kong napatingin ang lalaking guest na kasama sa mga bagong dating na grupo nila Sebastian. Nagkatitigan kami ng lalaki at napansin kong napatingin ito sa gawi nang wala pa halos malay na si Amanda.

HEAVEN KNOWS (Broken Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon