(2 days before extraction)
July 16, 20xx
Subject #4673
Sex: Female
Duration of Stay: 6 months and 17 daysFindings:
The subject's vitals seems to be normal after being injected by Serum 17. Her blood stream though had some blockage and her brain seems to decline from time to time. Further analysis is required to see the full effect of the Serum.#End of Report#
Gumising siya sa madilim at malamig na kuwarto. Nakaputing robe at may kadena sa mga paa. Hindi niya alam kung anong pangalan niya o kung saan siya nakatira. Ito lang ang tanging naaalala niya habang namamalagi siya sa kwartong ito.
Knock! Knock!
Nakarinig siya ng pagbukas sa ilalim ng pintuan at may nag abot ng pagkain doon. Isang lugaw, isang tinapay, tubig at plastic na kutsara.
Nagmadali siyang tumungo sa pinto at kinuha ang pagkain. Dali dali niya itong kinain dahil sa gutom. Walang laman ang isip niya kundi ang kumain.
Nang maubos niya ang pagkain ay kinatok niya ang pinto at binuksan muli ang ilalim. May kamay na lumusot at sinubukan niya itong hilahin at kagatin. Nagpumiglas ang guard at pinilit hilahin ang kamay niya.
Dumating ang iba pang guard at binuksan ang kwarto. May mga hawak silang electric baton at dinikit sa kanya. Duguan ang kamay ng lalaki. Nagsisisigaw ito dahil sa sakit.
Walang ano ano ay binaril ang lalaki ng kanilang chief.
"Sinabi ko naman sa inyo, mag iingat kayo kapag kukuha kayo kapag nagrarasyon kayo ng pagkain. Ano bang mahirap intindihin dun?"
Tumakbo siya sa isang sulok at tinago ang mukha. Sinipa siya ng chief at pinalo ng electric baton. Hindi siya makapalag dahil sa lakas nito.
Muling sinara ang pinto at nilock. Naiwan ulit siya na mag isa. Malungkot. Nalilito. Nagtataka. Nagugutom.
Alam niyang mali ang gutom niya ngunit 'di niya mapigilan ang sarili niya. May naramdaman siyang kakaiba sa sikmura niya. Nahilo siya at tuluyang nawalan ng malay.
Nagising siya na nasa loob siya ng isang chamber. Salamin ang ibabaw na mahigpit ang pagkakalock. May mga wires na nakadikit sa ulo niya at braso. May nakalagay ding oxygen mask sa kanya.
Wala siyang magawa kundi ang tumitig lamang sa salamin at pagmasdan ang repleksyon niya. Hindi niya alam na ganun ang itsura niya. Kulay dilaw na mata. Natakot siya sa sarili niyang imahen at nagawala.
"Pigilan niyo si Hope! Bilis!" Sigaw ng isa sa mga head doctors na siyang humahawak sa branch nila 'Hope' at iba pang kagaya niya.
Nagising si Hope sa kwarto na may salamin sa harap. Tanging ang repleksyon niya lang ang kita niya. May mga tali siya sa braso at takip sa bibig.
"Naririnig mo ba ako? Kung oo, tumango ka" sabi ng boses mula sa kabilang kwarto na nag oobserba sa kanya.
Hindi kumikilos si Hope. Nag susulat ang dalawang assistant ng doktor na nagbabantay sa kanya.
"Hope, naririnig mo ba ako?" Isang pamilyar na boses ang narinig niya. Boses ito ng doktor na lagi siyang kinakausap at siyang nagkkwento ng buhay niya noon.
Lumingon sa kaliwa't kanan si Hope. Hinahagilap ang boses. Nagsulat muli ang dalawang assistant.
"Kung naririnig mo ako, tumango ka."
Tumango si Hope.
"Kuhain mo ang nasa paahan mo. Alam mo ba kung ano 'yan?"
Dinampot ni Hope ang bola sa paahan niya at pinagmasdan ito. Ito ay kulay pula.
"Sige Hope. Patalbugin mo nga."
Sumunod lamang si Hope sa utos ng doktor. Nakikinig sa mga sinasabi nito at pinapagawa. Walang ano ano ay may narinig siyang kalampag sa likod ng salamin.
Kablag! Kablag!
Dalawang tao ang nakaharap sa salamin at nakataas ang mga kamay. Hindi alam ng doktor ang gagawin. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari.
Biglang tumunog ang malakas na sirena. Nag ilawan ng pula at at puti ang buong kwarto kung nasaan ang doktor at si Hope.
Code res! Code red! Code red!
Paulit ulit na anunsyo sa mga speakers sa loob ng facility. Nagpanic ang doktor at agarang lumabas sa kwarto ngunit pinigilan siya ni Hope.
"Saan ka pupunta? Tapos na ba tayo maglaro?" Ang tanong ni Hope sa doktor.
"Ah-ahh ano. A-ahh. Hindi. Maglalaro tayo ng iba naman. Taguan. Ayos ba 'yun sa'yo?"
Natuwa si Hope. Kahit na paulit ulit niyang naririnig ang ingay at nadidistract sa pulang ilaw ay mas inisip niya ang paglalaro nila ng doktor.
"Oh sige ha, Hope. Ganito laruin 'yun ah. Magtatago tayo. Dapat 'di ka gagawa ng ingay ah. Ako lang ang magsasabi kung pwede ka na magsalita ha."
Tumango tango lang si Hope sa doktor at sinund ito palabas ng kwarto. Habang nagmamadali silang makalabas ng kwarto ay hinarang sila ng isang gwardya.
"Hindi siya pwede lumabas. Alam mo ang protocol, Mr. Hendrickson."
Ilang segundo nagtinginan ang gwardya at ang doktor. Maya maya pa'y biglang bumagsak ang gwardya.
"Sige na. Lumabas na kayo dito Kyla, mamaya kakausapin ka namin ha. Magkita tayo sa rooftop. May helicopter kami dun."
Sabi ng isa sa dalawang lalaking sumusubok pigilan ang ibang gwardya makalapit sa kanila.
Agaran tumakbo patungo sa rooftop si Hope at ang doktor.
"Sino po si Kyla?" Tanong ni Hope.
"Ikaw 'yun. 'Yun ang dati mong pangalan. Nung buhay ka pa." Pahingal na sinabi ng isa sa mga lalaking tumulong sa kanila kanina.
"Kuya mo kami. Matagal ka na naming hinahanap. Nawala ang katawan mo sa puntod isang araw at nalaman naming ginagamit para pag eksperimentuhan." Singit ng isa pang lalaki habang binabakuran ang pinto paakyat sa rooftop.
Nalito si Hope at nagtaka. Kumapit ito sa doktor ng mahigpit dahil natatakot siya.
"Kung gayun, anong taon ang tunay na kapanganakan ni Hope at anong blood type niya?" Tanong ng doktor sa dalawang lalaki.
"August 17 ang birthday nita. Type AB siya. Okay na ba?"
"Hoy! 'Wag na kayo magtanungan diyan. Sumakay na muna kayo dito para makaalus na tayo!" Sigaw ng isa sa mga lalaki.
Nagsisimula nang umikot ang elisi ng helicopter. Ilang sandali lang ay umangat na ito mula sa lupa ngunit sakto namang bumukas ang pintuan ng rooftop.
Bumuhos ang mga kakaibang nilalang mula sa pintuan. Pula ang mata. Tuyong balat. Ang iba ay kita ang laman at basag ang panga ngunit nagagawa pa ring tumakbo at habulin sila.
"Ano 'yang mga 'yan?" Tanong ni Kyle habang dinudungaw ang mga nagdadagsaang nilalang.
Habang umaangat sila, ang ilang nilalang na ito ay kumapit sa paa ng helicopter para maabot sila.
Dumami ng dumami ang kumapit din sa helicopter at pinipilit silang abutin.
"Shet! Kailangan nila mapabitaw! Babagsak tayo niyan kung 'di!" Sigaw ni Klein habang pinipilit paangatin ang helicopter.
Kanya kanyang hila at pilit na umaakyat sa pinto ng helicopter ang mga nilalang na ito habang si Dr. Hendrickson at Hope naman ay naka upo lamang at nababahala.
"Kuya mag iingat ka!" Sigaw ni Hope kay Kyle na muntikan ng maabot ng isa sa mga nilalang na iyon...
To be continued...
BINABASA MO ANG
Dawn of Man - Hope's Story
General FictionWhat would happen to a girl who's been deceased then revived with an unhumane experiment?