Note: If you think this story is like a normal werewolf story, ngayon pa lang sinasabi ko na po na hindi. Kung mahilig kayo sa anime, I'm sure, you'll like this. :)
Misa_Crayola
Marahang pinipitas nang isang limang taong gulang na batang babae ang iba't ibang kulay na bulaklak na bagaman hindi niya alam kung anong klase ang mga 'yon ay nawiwili siya sa ginagawa. Dumaan sa kanyang isipan si Crescent, hindi niya tuloy mapigilan ang pag-ukit ng ngiti sa labi. Pinagmasdan niya ang buong paligid, para talaga siyang nasa isang malawak na hardin. Dahil tuktok rin iyon ng isang burol, malakas ang sariwang hangin na isinasayaw ang mga dahon, bulaklak at mga kapunuan.
Crescent...
Si Crescent ay isang taong-lobo na nag-aangkin ng hitsura ng isang anghel.
"Anong anghel ang pinagsasabi mo, hindi mo ba alam na prinsipe ng mga lobo ang Panginoon ko?!"
Kung hindi sinabi ng maliit na goblin na 'yon na hindi siya anghel, iisipin kong anghel siya na wala lang mga pakpak. Mahaba ang kulay pilak na buhok ni Crescent, may pares siya ng asul at gintong mga mata na tila mamahaling mga bato. Matangos ang kanyang ilong at manipis ang mapulang labi. Ang kaputian niya ay nakasisilaw maging ang kanyang kakinisan ay halatang inalagaan nang husto. Napakahirap nitong ilarawan, ang alam niya lang ay napakaganda ng hitsura nito.Mukhang kahit na anong salita ang sabihin ko, hindi sasapat para ilarawan man lang ang kaperpektuhan ng kanyang anyo.
"Ano bang pinaggagawa mo ha?!"
Nagulat ang batang babae nang marinig ang malakas at matinis na boses ng goblin na mas maliit pa sa kanya. Kulay berde ito at may hawak na mataas na baston na tila yari sa metal at ang ibabaw no'n ay isang crystal na ang loob ay compass. May iba't ibang marka ang compass.
"Ikinukuha ko lang ang prinsipe ng mga bulaklak para—"
"Hindi niya kailangan 'yan!" Halos lumawit ang litid nito sa pagsigaw.
Nakaramdam ang batang babae ng takot dahil mukhang galit na galit ang goblin.
Iniligtas siya ni Crescent sa kamatayan nang tangkain siyang saktan ng tatlong bampirang humahabol sa kanya sa kagubatan. Lumitaw ang goblin na nasa harapan nang maitaboy ni Crescent ang mga bampira. Kahit mukha itong anghel, mukhang kinatatakutan ito maging ng mga bampira.
Iniwanan nga sila ngayong dalawa ni Crescent sa isang burol. Pero sinabi nito sa kanya na babalikan sila.
"Pasensiya ka na." Nangingilid ang luha ng batang babae dahil sa takot dito. Nanatili na lang tuloy siyang nakatayo habang nilalaro ang mga bulaklak sa palad.
Sana bumalik na si Crescent.
"Ano bang mahalaga sa 'yo! Bakit ako pinagbabantay ng isang gusgusing batang babaeng katulad mo! Hindi yata't ginagawa akong katatawanan ng Panginoon! Nasisira ng dignindad bilang kanyang kanang kamay!"
Babagsak na ang mga luha ng batang babae pero pigil na pigil siya. Hindi niya gustong umiyak.
Lumayo na ito sa kanya kaya naman kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag.
Bumalik sa kanyang alaala ang naganap sa kagubatan kagabi. Tumatakbo siya at hinahabol ng tatlong bampira. Takot na takot siya habang humihingi ng tulong. Hindi niya magawang huminto kahit napakarami ng putik ng kasuotan niyang kulay rosas na pantulog. Habang tumatakbo siya, mabilis na nabubura ang kanyang mga alaala at nasisiguro niya nang makita niya si Crescent na nakatayo sa kanyang harapan para tulungan siya, wala na siyang anumang alaala sa sarili.
"Binibini, anong pangalan mo?"
Hinawi nito ang buhok niyang humarang sa mukha. Tumila na rin ang malakas na pag-ulan. Nakatungo ito sa kanya at may magandang ngiti.
BINABASA MO ANG
Raised by Wolves I ( Revised )
FantasySa kagubatan natagpuan ni Lyra si Crescent, limang taong gulang lamang siya ng makita ang anghel na may pilak na buhok. Pakiramdam niya ligtas na siya sa masasamang bampirang humahabol sa kanya. Hindi niya alam na higit pa pa lang demonyo ang lalaki...