Malalakas na sigawan at iyakan ang narinig nina Arabella, Don Leandro at Blackfire pagdaan nila sa ilang bahayan. Alas dos na ng madaling araw at pauwi na sila mula sa pangha-hunting ng mga bampira ngunit tatlong nosferatu lang ang nasabat nila sa kagubatan. Ni hindi nagamit ni Arabella ang Ragnor dahil holy water lang ay sapat na upang mapuksa ang mga ito.
Pero ngayon ay tila mapapasabak sila ng husto sa totoong labanan.
"Mga demonic vampire," sigaw ni Armand pagkakita sa ilang pulutong ng bampira na nagpipiyesta sa katawan ng isang biktima na kabilang sa mga kalalakihan na nagroronda habang ang iba naman ay sinasalakay ang ilang lalaki na pilit pa ring lumalaban upang isalba ang buhay nila gamit ang mga itak at mga sibat na gawa sa kawayan.
Wala silang inaksayang panahon. Agad na pinaputukan nina Armand at Don Leandro ang mga bampira samantalang nagmamadali niyang hinugot ang Ragnor mula sa sheath nito. Paghawak pa lang niya sa hilt ng espada ay agad niyang naramdaman ang kakaibang enerhiya na nagmumula rito. Pinalalakas siya at pinatitindi ang intensyon na patayin ang mga alagad ng dilim na naghahasik ng lagim.
Ilang bampira ang agad bumulagta at naagnas nang tamaan ng silver bullets na nagmumula sa mga baril nina Armand at Don Leandro. Ngunit sa dami ng mga kalaban ay alam ni Arabella na hindi sapat ang mga bala upang maubos agad ang mga ito.
She ran fast towards the vampires while wielding the sword. Sa ilang pagwasiwas niya ay marami agad ang tinamaan sa iba't ibang parte ng katawan. Nakapanghihilakbot ang sigawan ng mga ito habang unti-unting natutupok. Ngunit hindi niya pinansin iyon. Hindi siya dapat matakot o maawa sa mga sandaling ito lalo na ngayong tinanggap na niya ang kanyang kapalaran, ang maging Vampire Slayer.
Suddenly, a powerful voice spoke from her back.
"You stop, parasuta, or I will kill these men!"
Arabella hastily turned around. Ganoon na lang ang gulat niya nang makita ang kanyang lolo Leandro na nagwawala habang hawak sa leeg at kamay ni Braedan Voldova samantalang si Armand naman ay hawak ng isa pang bampira.
"Braedan?" bulalas niya. Kitang-kita niya ang namumulang mga mata ng kaharap na bampira sa tama ng liwanag ng buwan.
"Ako nga, Arabella Duarte. Matandain ka pala." Braedan smiled wickedly. "Aaminin kong ginulat mo ako. From a stupid cunt, you transformed yourself into a beautiful vampire slayer. Did Draven's cock not enough to preserve you as a fucking slut?"
Nag-init ang kanyang mukha dahil sa pagkapahiya sa harap ng kanyang lolo at ni Armand. "Wala akong panahong makipaglokohan sa iyo, demon. Release them or I will turn your ass into ashes," banta niya.
Pero hindi man lang natinag si Braedan. Tuloy ang pagngisi nito maging ang bampirang may hawak kay Armand. "Give the Ragnor to me in exchange of these men."
Natigilan si Arabella. Hindi siya handa sa ganitong pagkakataon. Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Braedan at kina Don Leandro at Blackfire.
Hirap na nagsalita si Don Leandro. "Arabella, iha, patawad. Hindi kami masyadong nag-ingat..."
Halos madurog ang puso niya sa nakikitang katayuan ng kanyang lolo. Palihim niyang sinisi ang sarili kung bakit masyado siyang naging kampante sa pakikipaglaban kanina, nakaligtaan tuloy niya ang dalawang kasama.
She forgot that Armand and Don Leandro were already aging and had lost their strength and agility. Maaaring ang dalawang ito ang pinakamagaling na mandirigma laban sa mga demonic vampire sa buong Romania noon, pero hindi na ngayon.
BINABASA MO ANG
DEEP WITHIN YOU (Into the Darkness Series Book 1) Published in Paperback
Vampiros"Because I dream more than anyone else and so I see more than I should. But when the night comes there is a refuge of a dream of ecstasy. Where I only see love, you and me."