Kabanata 24 - Inang Madre Adoracion De Avila

2K 65 24
                                    


Kabanata 24 - Inang Madre Adoracion De Avila

13 de Hunyo de 1890

Colegio de Santa Maria Magdalena
Intramuros, Maynila


"Sino kang nilalang ka? Alam kong hindi ikaw ang may ari ng katawan na iyan!" Wika sa akin ni Inang Madre Adoracion na ikinalaki ng mata ko at napalunok na lang ako.

Hala kilala niya ako? Pero paano, nagmeet na ba kami dati? Teka teka, paano niya nalaman na hindi sa akin itong katawan na ito?

Umiwas ako ng tingin sa kanya at ngayon ay parang nababalia ako.

"Po? H-hindi ko po alam ang sinasabi niyo?" Pagdedeny ko at hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya "Ano po bang ibig sabihin ninyo Inang Madre Adoracion?" pagkakaila ko sa kanya at nagkunwari akong wala akong alam tungkol sa mga sinasabi niya.

"Catherina, halina at sumunod ka na sa amin ng maiayos na namin ang ating mga kagamitan" rinig kong wika ni Luciana ng hindi nila ako nililingon at patuloy lang sila sa paglalakad papasok.

Mas lalo niyang hinigpitan yung hawak niya sa braso ko kaya medyo napasigaw ako pero kaagad kong tinakpan yung bibig ko.

"Huwag kang magsalita na parang wala kang alam tungkol sa mga sinasabi ko!" galit niyang wika at pinandilatan niya ako ng mata at nang magtama ang mga mata namin ay kaagad niya akong binitiwan at yung tumirik na lang bigla ang kanyang mata at nawalan ng malay kasabay nito ang pagbagsak niya mula sa kinatatayuan niya

"Inang Madre!" Sigaw ko at lumapit ako sa kanya at iniangat ko siya mula sa pagkakahandusay sa lupa, at tinanaw ko ang dalawang madre "Madre Isadora! Madre Candelaria! Tulong po!" Sigaw ko at maya maya ay napalingon na sila sa akin.

" Dios el misericordioso! ¿Qué le pasó a la madre!? (Diyos na Mahabagin! Anong nangyari sa Inang Madre?)" Natatarantang wika ni Madre Candelaria habang patakbo nilang nilalapitan ang nakahandusay na Inang Madre Adoracion.

"Hindi ko po kayo maintindih---" ay shemay! Muntikan na ako, dapat naiintindihan ko sila kapag nagsasalita sila ng kastila "A-ano po bigla na lang po siya nawalan ng malay ng maglalakad na po siya, hindi ko po alam ang dahilan kung bakit" paliwanag ko at sinuri nila ang hinimatay na madre.

The Unexpected 19th Century JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon