Dahil Sa Tula

196 4 0
                                    

Nawawalan na ko ng gana magsulat ng tula,
Hindi ko alam kung bakit at kung kailan nagsimula.
Para bang napakahirap kung paano ko uumpisahan at kung paano ko tatapusin, Hindi ko na mahanapan ng mga letra at salita na maaari kong gamitin. Hirap na 'kong gawan ng paraan para ito'y pagtugmain,
At nakakainis isipin na ikaw ang dahilan nang lahat ng yon. Nakakainis isipin na ikaw ang dahilan kung bakit nakalimot ako sa tula na hilig ko noon, Nakakainis isipin na ikaw, na ikaw ang dahilan kung bakit ayoko na ng tula ngayon. Nang dahil sa tula, sumaya ako,
Nang dahil sa tula, naramdaman kong maging espesyal. 
Nang dahil sa tula, nahulog ako,
Nang dahil sa tula, nagmahal ako.
Nang dahil sa tula, naghintay ako sa wala, 
Nang dahil sa tula, umasa ko. 
At nang dahil sa tula, 
Nagpakatanga ko sayo.
Tula ang naging dahilan kung bakit nasaktan ako ng husto, 
Kasi sa tula mo ipinaramdam na may halaga pala ako.
Sa tula mo dinaan yung panloloko at pang-gagago mo,
At ako naman itong si tanga, 
Umasa na meron ngang tayo.
Na totoo nga yung mga nakasulat sa tula mong kakaiba,
Hindi ko inakala na magaling ka pala magsulat ng tula ha?
Hindi ko inakala na magaling ka pala, Hindi ko inakala.
Magaling ka, magaling ka magsulat ng tula,
At hindi ko akalain na nakakasakit pala. At sa huling pagkakataon, gagawa ako, Gagawa ako ng huling tula na tungkol sayo. Gagawa ako hindi dahil sa mahal pa kita,
O umaasa pa ko na pwede pa. 
Gumawa ulit ako ng tula kasi ito yung patunay na kaya ko pa, 
Kaya ko na.
Kaya ko na muling umpisahan,
Kaya ko na muling tapusin. 
Alam ko na ulit kung paano gamitin ang mga letra at salita, 
Kaya ko ng pagtugmain ang bawat dulo ng talata.
Nakaya ko na muling gumawa ng tula,
Na minsan kong kinalimutan para ikaw ay di na muli pang maalala. Salamat parin naman kahit papano, Naappreciate ko parin naman na gumawa kapa ng tula para lang manggago. Ipagpapatuloy ko parin ang paggawa ng mga tula kahit dito ko naloko, Gagawa ako uli nito pero hindi na para sayo.
Hindi kana kabilang sa tula na mga gagawin ko,
Paalam na sayo.
At lahat ng tula ay may katapusan,
Hindi mo mamamalayan na hanggang dun na lang. 
At gaya ng tula, tatapusin ko na ito,
Katulad sa pagtapos ko sa kung anong meron tayo

Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon