SA ARAW NG MGA PUSO

334 9 0
                                    

" SA ARAW NG MGA PUSO "
ni: Kuya_Ian
"ARAW NG MGA PUSO,
KUSKUSAN NG NGUSO"
Kung ilarawan ng mga tuso,
Pero ano nga ba ang araw na ito?

Sa araw ng mga puso,
Hindi ko kailangan ng makakasama sa date ko,
Kadate ko ang sarili ko---
Ang pinakamaaasahan ko sa mundo.

Sa araw ng mga puso,
Hindi ko kailangan ng makakausap sa date ko,
Lagi kong kausap ang Ama mo at Ama ko---
Nandyan Sya lagi para makinig sayo.

Sa araw ng mga puso,
Hindi ko kailangan ng makakalampungan S date ko,
Laging nandyan ang pamilya ko---
Handang ipakita ang walang hanggang pagmamahal sa na hindi maibibigay sa akin ng sinumang ibang tao.

Sa araw ng mga puso,
Hindi ko kailangan gumastos ng malaki,
Nandiyan ang mga kaibigan kong handa akong ilibre,
Kaya lagi ko silang ipinagmamalaki.

Sa araw ng mga puso,
Hindi ako tatambay sa mall o sa restawrant,
Alam mo na kung saan ako matatagpuan---
Sa simbahan.

Sa araw ng mga puso,
Hindi mo kailangan ng kasintahan,
Nandyan ang sarili mo na lagi mong masasandalan---
Ang Diyos na laging nandyan---
Ang pamilya mong matagal kang iningatan at inalagaan---
At ang matatakaw mong kaibigan---

Kaya wag ka ng malungkot,
Dahil ang araw ng mga puso,
Ay araw ng pagmamahalan,
Hindi puro araw ng landian.

Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon