Part 11

8.1K 227 0
                                    


"I can't believe na sixteen ka palang, sobrang tangkad mo para sa edad mo. Kaya pala kung makapag 'po' ka sakin wagas." manghang sabi ni Kylie habang nagtutupi ng damit at inililipat ito sa isang cabinet.

Magkasama sa isang room si Kylie at Pamela. Dahil tatlo lamang ang kwarto sa bahay ni Kurt kailangan magshare sila sa kwarto. Sa isang kwarto ang mag asawang Santos sa isang kwarto si Kurt at sila ang magkasama sa natitirang kwarto.

"Kaya madaling madaya kasi hindi naman akong mukhang sixteen, mukha akong matanda." si Pamela na siyang tumutulong sa pag aayos ng gamit ng dalagang kasama.

"Naku, hindi ka naman mukhang matanda, sabihin na nating sa edad mong iyan maraming maiinggit na mas matanda saiyo sa katawan mong taglay, pero bata ka parin sa galaw mo at sa pananalita mo. Gusto mo tawagin mo nalang akong ate? pangarap kong magkaroon ng younger sister." nakangiti si Kylie habang inaantay ang sagot ni Pamela.

"Sure..ate Kylie." nakangiti rin si Pamela. "Grabe no? ang babait niyo, nakakatuwa dahil nakatagpo ko kayo, nakakatuwa at nakilala ko ang kuya mo. Napakaswerte ko." dugtong nito.

'Yeah..kaso sayang..kung hindi ka lang sixteen years old baka pwede pa kayo ni kuya, bagay kayo kaso hindi pumapatol si kuya sa masyadong bata.' gusto ni Kylie na sabihin kaso alam niyang hindi pwede kaya tumango na lamang siya.

"Mom, Dad si kuya?" tanong ni Kylie, lumabas sila at sa likod ng bahay ay naroon si Minda at Dolfo.

"Ano ang maisusuggest niyo na gawin natin ngayong araw? Wala ang kuya mo, nagpaalam at may aasikasuhin raw." sabi ni Dolfo.

"Bat hindi tayo mamasyal sa mall? then mamili ng damit, my treat.. tapos punta tayo ng salon?" suhestiyon ni Kylie.

Sabay na tumango tango ang mag asawa habang nakangiti.

"Sige, gusto kong mamasyal kasama ng bago nating miyembro ng pamilya." nakangiting sabi ni Minda habang nakatingin kay Pamela. "Ella tita na ang itatawag mo sakin at tito kay Dolfo ha?"

Nahihiya man si Pamela ay ngumiti siya at tumango.

"O sige mom, dad..mag aayos na kami ni Ella, tara na El! I'm excited."

Pumanhik na ang dalawa at nagpaiwan ang mag asawa.

"I really adore her. Kaya hindi ko masisi ang sarili ko at tinanggap ko siya agad. Napakaganda niya, mabait, magalang at isa pa marunong mahiya." nasabi ng ginang.

"I like her too. Walang duda tama tayo ng desisyon." sabi naman ni Dolfo.

"Naku huwag na ate Kai, marami na masyado, wala naman akong pag gagamitan." tanggi ni Pamela dahil labis labis na ang dami ng mga pinamili sakanya ni Kurt noong unang araw niya sa bahay. Ngayon naman ay hindi magkamayaw ang pagpili at pagbili ng damit para sakanya ni Minda at Kylie.

Hindi siya makapaniwala dahil sa babait ng mga ito sakanya, hindi tuloy niya maiwasan ang mahiya.

"Next stop! salon naman tayo. Papacut ko hair ko, gusto ko hanggang balikat lang talaga ang haba ng buhok ko. Ikaw sis? ang ganda ng buhok mo pero parang mas bagay kung medyo pacut natin kahit ilang inches lang? then..gusto mo pakulay? no. no. no. hindi na pala. Mas maganda yang ganyan. Natural." ngingiti ngiting sabi ni Kylie.

Nang matapos sila sa salon ay nagpasya na silang umuwi.

Alas sais na ng gabi.
Nang makarating sila sa bahay ay nadatnan nila si Kurt na abala sa pagluluto.

"Hmm.. I knew it! kaya hindi kami nag gabihan sa labas eh, alam namin na ipagluluto kami ng anak naming cook!" masayang sabi ni Minda.

"Bro anong niluluto mo?" usisa ni Kylie.

"Pasta and of course your favorite mom tinola, may brown rice rin akong niluto. Sa mga diet at ayaw magkanin ayan pasta."

Nagkwentuhan sila habang kumain.

"Ay nga pala, may lakad ako tomorrow. Hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi." paalam ni Kylie.

"San naman? Nga pala, eto ha. Tapatin ko na kayo, ang tagal na naming nag aantay, Kylie..Kurt. Kailan niyo ihaharap sakin ang mga nobyo at nobya niyo? naiinip na ako." nagtatampong saad ni Minda.

"Teka si kuya muna mom, bago ako. Kapag ikinasal na si kuya ako naman susunod promise, kaya kuya..Hanap hanap na. Sayang ang talent mo sa pagluluto kung hindi mo ito magagamit sa panliligaw." biro ni Kylie.

Nang umangat ng tingin si Pamela ay napakurap siya ng sakanya nakatingin si Kurt. Napatikhim siya at saka itinuon ang atensyon sa pagkain. Namamangha siya sa husay ng lalaki sa pagluluto.

Tumuon narin ang atensyon ni Kurt sa kapatid niya.

"Mom hanap kayo sa dating site, alam niyo kasi wala ng pag asa pa si Kai. Masyadong mataas ang gusto niya patungkol sa lalaki, as if naman may magkakagusto sakanya sa mga iniisip niyang pangarap niyang lalaki." natatawang biro ni Kurt.

"Ella hija masanay kana sa kulitan at bangayan ng dalawang iyan ha? sa ibang pamilya sanay siguro na kapag nasa hapag ay wag mag iingay at kailangan mag focus sa pagkain. Dito sa pamilya natin ay mas masayang mag usap usap sa hapag. Mas maganang kumain kapag may nag iingay at may tawanan."

'Pamilya natin' yan ang binanggit ni Dolfo na nakapagpangiti kay Pamela. Naging emosyonal tuloy siya bigla, ito ang pinangarap niya na akala niya ay imposibleng matupad. Ang magkaroon ng pangalawang pamilya na masaya at masarap kasama.

Waitress (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon