"Avery Costavilla!!!" Napatigil kami ni Nathalie sa paglalakad nang may sumigaw..
Urgh. Nakakahiya. Kailangan buong pangalan ko talaga? Tumalikod ako para tignan siya. Pero nagulat ako na nasa harapan na namin siya- si Maverick at may dalang malaking bouquet ng red roses.
"Uh-- Hi? hehe" Bati ko dito
"Iniiwasan mo ba ako Avery?" Sabi nito at parang iiyak na
"Uhm h-hindi naman hehe?"
"Akala ko kasi iniiwasan mo ako eh. Eto o, may dala akong bulaklak para sayo" Sabi niya na may malaking ngiti sa labi niya habang inaayos ang makapal niyang circle eyeglasses.
"A-ano kasi, a-allergic ako sa rose , sa bulaklak. Diba Nath?" Siniko ko si Nath at tumango-tango naman ito
"Tama, tama allergic siya sayo-este sa bulaklak" Pasimple ko ulit siyang siniko. Lokaret talaga tong babaeng to hahaha
"Bat ang dami mo namang allergy Avery. Nagdadahilan ka nalang lagi Avery. Diba sabi ko manliligaw ako sayo kahit ayaw mo. Sabi ko naman sayo maghihintay ako na magustuhan mo ako basta bigyan mo ako ng chance" Mangiyak-ngiyak niyang sabi.
"Maverick,diba sabi ko naman kasi sayo na wala pa sa isip ko yung mga ganyan. At-"Eto mejo bastos din to eh bigwasan kita jan eh. Di manlang ako pinatapos magsalita.
"Nung huli, hindi mo tinanggap yung chocolates na binigay ko sayo kasi sabi mo allergic ka sa cocoa. Tapos nung binigyan kita ng milk chocolate sabi mo may lactose intolerance ka. Tapos... tapos nung binigyan kita ng kwintas sabi mo nagkakarashes ka sa gold. Tapos nung--" Di ko na siya pinatapos magsalita haha bawian lang. Choss. Kasi naman mahabang listahan kapag binanggit niya pa isa-isa yung mga hindi ko tinanggap na binibigay niya.
"N-nagkataon lang sigu---"
"The company is not a dating ground." Sabi ng mababang boses sa likuran namin ni Nathalie. Pansin ko lang kanina pa nila ako hindi pinapatapos magsalita. Sino ba tong pontio pilatong to. Tumalikod ak nauntog naman ako sa dibdib ng lalaking to.
"Hello Sir Tyler/Hello Sir Tyler" Sabay sabi ni Nath at Maverick. Agad naman akong napatingala at nakita si Tyler na nakatingin sa akin at ang lapit ng mukha namin. Sa gulat ko ay na-out balance ako at napayakap kay Tyler. Nang makatayo na ako ng maayos ay humiwalay ako sa kanya.
"Ermm. Ehem. I'm sorry Tyler. I mean Sir." sabi ko dito
Urgh kailangan kong makaisip ng paraan para makaalis dito. Lumapit ako kay Maverick at kinuha ang bouquet sa kanya. Nakita kong napakunot ang noo ni Tyler dahil sa ginawa ko. Oops bakit ko nga ba kinuha yung bulaklak. Hihilain ko na sana si Nathalie paalis nang magsalita si Tyler.
"Didn't I tell you that this company is not a dating ground. Kung magbibigayan kayo nga bulaklak, do it outside the company or after work." At umalis ito na nakakunot at noo at nakasimangot.
Ano namang problema nun. Tss. Siya nga yung may kahalikan sa elevator eh. Che!!! Napatingin naman ako kay Maverick nang magsalita siya
"K-kinuha mo yung bulaklak?" Nakangiti nitong sabi. Nasapo ko naman ang noo ko. Bakit ko ba kasi to kinuha.
"Nakakahiya naman kasi sayo Maverick kaya kahit na may ehem-allergy ako dito tatanggapin ko. Pero last na to na magbibigay ka ha? Parang good bye gift mo na to sa akin. Please tumigil ka na rin sa ermm-panliligaw mo kasi may boyfriend na ko."
"M-may boyfriend ka na Avery? Bakit wala akong nalaman sa mga research ko" Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Research? Duh it's more like his stalking me. Alanganin akong tumango kahit wala naman talaga akong boyfriend.
BINABASA MO ANG
Pick Up The Pieces (HIATUS)
Teen FictionLabis na nasaktan ni Avery sa hiwalayan nila ni Tyler. Parang nabasag ang puso niya at gaya ng ibang bagay na nababasag, hindi ito na ito maibabalik pa sa dati. Maaring may mga nawalang piraso kaya hindi na ito maaring mabuo pa. Nasa ganoong estado...