Alam ko...
Alam kong marami na akong kasalanan
Ni hindi ko alam kung meron pang kapatawaran
Marami na akong pagkukulang sayo
Babawi naman ako, PangakoAlam kong palagi nalang ganito
Pasensya na talaga Mahal ko
Nakakasawa man ako Sinta
Sana ay more matiis mo paAlam kong dahilan ako
Dahilan ng pagkasira ng araw mo
Di ko sinasadyang talaga
Patawarin mo na ako Sinta...Alam kong hindi na kita madadaan dito
Sa mga tulang paulit ulit na inaalay sayo
Ngunit ito lang kasi ang paraang alam ko
Para mabawasan at makabawi ako sayoAlam ko Sinta na mahirap ito sayo
Pero sana di ka pa rin magsawa dito
Ikaw lang ang mahal ko...
Mahal na mahal sobra sobra pa sa sarili ko..
BINABASA MO ANG
Tula Para Sa Aking Mga Naging Sinta
PoetryMga salitang di mabigkas Kaya pilit na tumatakas Mga salitang di masabi Tinatago nalang sa paghikbi Mga salitang di magawa Aking idadaan sa tula Bunga ng pagmamahal at pag-iwan nila Lahat ng ito'y aking nailathala