Oo
Tingin ko halos isang buwan na
Simula nung manligaw ka
Bawat araw lumalim Sinta
Ang pagmamahal ko'y di nag-iibaSa totoo lang hindi alam kung paano
Sasabihing gusto ko nang maging tayo
Paano sasabihin ang matamis na "oo"
Na kay tagal nang hinihintay mo"Sinasagot na kita" sambit ko
"Seryoso?" tanging nasabi mo
Sadyang hindi makapaniwala
Labis-labis ang sayaTotoong tayo na talaga
Tunay na magkasintahan Sinta
Pangako natin sa isa't isa
Kahit anong mangyari, tayong dalawaMahal na mahal kita
Nais lang na maging masaya
Walang iwanan Sinta
Aking uulitin, Mahal na mahal kita
BINABASA MO ANG
Tula Para Sa Aking Mga Naging Sinta
PoetryMga salitang di mabigkas Kaya pilit na tumatakas Mga salitang di masabi Tinatago nalang sa paghikbi Mga salitang di magawa Aking idadaan sa tula Bunga ng pagmamahal at pag-iwan nila Lahat ng ito'y aking nailathala