Patuloy
Isang linggo na ang nakaraan
Nang tayo'y maging opisyal na magkasintahan
Bunga ito ng ating pagmamahalan
Na nagdulot ng kasiyahanLagi mang may tampuhan
Kasunod ay lambingan
Tiyak na may ayusan
'Pagkat tayo'y nagmamahalanDi magsasawang ika'y mahalin
Kahit paulit-ulit na sambitin
Nais na magtagal ang sa atin
Sinta ikaw lang ang iibiginMahal na mahal kita
Paulit-ulit na gagawan ka ng tula
Hinding-hindi ka iiwan Sinta
Kaya natin 'to Tayong dalawaPatuloy na iintindihan ka
Patuloy na mamahalin kita
Patuloy na magiging sayo
Tayo lang hanggang dulo
BINABASA MO ANG
Tula Para Sa Aking Mga Naging Sinta
PoesíaMga salitang di mabigkas Kaya pilit na tumatakas Mga salitang di masabi Tinatago nalang sa paghikbi Mga salitang di magawa Aking idadaan sa tula Bunga ng pagmamahal at pag-iwan nila Lahat ng ito'y aking nailathala