-

37 0 0
                                    

-

Di na alam ang sasabihin sayo
Paniguradong ayaw na ako'y makausap mo
Sinta nais lang na humingi ng tawad sayo
Pasensya na... Pasensya na sa mga nasabi ko

Sukdulan ang galit na nadarama mo
Pasensya dahil yan ang naidulot ko sayo
Sadyang makitid ang pag-iisip ko
Patawad,  Pangako kakayanin kong magbago

Sa kabilang banda ang storya
Nais pa ring sabihing Mahal Kita
Sana ako'y kausapin mo na
Ngunit ayos lang kung hindi naiintindihan kita

Tatanggapin kung paano moko pakitunguhan
Sapagkat marami akong kasalanan
Dapat lang talaga na pagbayaran
Sana lang bigyan moko ng kapatawaran

Hiyang hiya ako sayo at sarili ko
Di alam ang eksaktong salita na swak dito
Nais lang sabihin nang paulit ulit ito
Mahal na mahal kita, Humihingi ako ng Tawad sayo...

Tula Para Sa Aking Mga Naging SintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon