Huli Na
Sa dulo ng ating storya
Nagtapos sa isang malungkot na kabanata
Nandito nanaman ako sumusulat ng tula
Pagbigyan mo na ako ito'y huli naNaging totoo ako sayo
Ikaw din alam ko
Naging masaya naman tayo
Di nga lang umabot sa duloSa mga araw na kausap ka
Hindi ko malilimutan ang saya
Salamat sa iyo ng sobra
Sana maging masaya kaHinding-hindi kita malilimutan
Kahit taon at dekada pa ang magdaan
Isa ka sa mga pinakamagandang alaala
Na aking babaunin hanggang pagtanda
BINABASA MO ANG
Tula Para Sa Aking Mga Naging Sinta
PoetryMga salitang di mabigkas Kaya pilit na tumatakas Mga salitang di masabi Tinatago nalang sa paghikbi Mga salitang di magawa Aking idadaan sa tula Bunga ng pagmamahal at pag-iwan nila Lahat ng ito'y aking nailathala