MAHAL KITA
Mahal kita
Alam mo ba?
Mahal kita
Nararamdaman mo ba?Maraming katanungan, kalituhan ng aking isipan.
Ang tangi ko lamang hangad ay ang iyong malaman.
Aking pagmamahal kung tama ba o nararapat
Sa tingin ko'y sa iyo ay hindi pa sapat.Nakita kita, nasilayan ng aking mga mata.
Nagtama ang ating paningin, napagtantong mahal na kita.
Ang bilis ba? Ako rin nga ay nagtataka.Halos lahat na ata ng katangian ng isang lalaki ay nasa iyo na.
Gwapo, sikat, mayaman at marami pang iba.
Pero sabi nga "Nobody is perfect"
Hindi ko naman kasi inakala.
Na ako'y nahulog sa isang taong katulad mo.
Katulad mong manggagamit at manloloko.
Naging malapit tayo, nagkakilala at nagkasama ng matagal na panahon.
Buong akala ko ay ako ang kailangan mo.
Sabi mo kasi MAHAL KITA.Pero bakit ganon?
Parang tumagos ang mga katagang iyon.
Tumagos papunta sa taong nasa likod, papunta sa kaibigan ko.
Nalaman ko na lamang isang araw, naging kayo na.
Sobrang saya, hindi ako kundi sya.
Araw man o gabi, lagi ka nyang bukambibig.
Ganoon pala kasakit ang umibig.
