K2: Kastilyo ng mga Wolveus

1.4K 55 10
                                    

READ. VOTE. COMMENT! :)

Join my group - Jobelle Rivera(MisaCrayola)

My FB: Jovielyn Rivera (MisaCrayola )


Kabanata 2

"Aaaaah!"

Nabitiw si Lyra, sumalo sa hangin ang kanyang mga luha. Bumagsak siya sa lupa kaya napaigik siya sa sakit. Pero laking gulat niya nang huminto rin ang asong lobo na kanina ay isang goblin. Hindi ito lumilingon sa kanya pero mukhang naghihintay ito.

Pilit tumayo si Lyra kahit masakit ang kanyang tuhod at katawan. Muli siyang lumakad patungo sa asong lobo at sumakay uli rito. Nang ganap niyang mayakap uli ito ay nagsimula na itong tumakbo uli. Pero sa pagkakataong 'yon mas mabagal na ito kompara sa mala-kidlat na pagkilos nito noong umpisa.

Hindi alam ni Lyra kung bakit may tila salamin silang tinalon at malamig ang dantay no'n sa buo niyang katawan pero wala namang nabasag ng pumasok sila. Nawala ang pagtataka niya nang unti-unting bumagal na ang asong lobo at matanaw na niya si Crescent na nakahinto at may tila tinitingnan sa ibabang bahagi ng kinatatayuang batuhan.

"Hindi ko inaasahan na makararating ka nang maayos."

Binuhat siya ni Crescent at marahang ibinaba.

"Ito ang lugar namin, Lyra. Nagustuhan mo ba?"

Napalunok si Lyra nang makita ang nasa ibaba. May malaking kastilyo. Masisiglang punong kahoy. Mga tahanan. Sa pinakamadaling salitang kaya niya 'yong ilarawan, "Napakaganda. Parang isang tunay na paraiso!" namamangha at namimilog ang kanyang mga mata.

"Bumaba na tayo." Hinawakan ni Crescent ang kanyang palad.

Sa isang iglap nabigla si Lyra na nasa ibabang bahagi na sila ng lugar.

Napakabango ng paligid. Nagsasabog ng napakababangong amoy ang mga bulaklak at hinog na mga bungang prutas. Nakatayo sila ngayon na magkahawak ang palad sa labas ng kastilyo.

"Napakalaki. Totoo ba ito?"

Nginitian siya ni Crescent. "Pansamantala, mananatili ka sa lugar na ito habang hindi mo pa naaalala ang tungkol sa 'yo. Hindi sila pangkaraniwang tao mga katulad ko silang taong-lobo. Ganoon pa man, para rin silang mga tao, kabilugan ng buwan lang ang panahon na kailangan mong magtago sa kanila."

Hindi nakaramdam ng takot si Lyra. Iniikot niya ang paningin. Ang mga naroon ay napahinto at tila nagtataka sa kanyang pagdating. Tumungo ang mga batang katulad niya sa kanilang harapan bilang paggalang kay Crescent. Ang pagtataka rin sa mukha ng mga naroon ay napalitan ng mga ngiti at tila pagtanggap sa kanya. Humanay ang mga ito sa magkabilang daanan at marahang tumungo.

"Maligayang pagdating sa kaharian ng Wolveus."

Napasinghap si Lyra sa narinig.

"S-salamat." Hindi niya mapigil sumagot.

"Lyra, nagustuhan mo ba ang bago mong tahanan?"

Naluluhang tumango siya. Napakasaya ng nararamdaman niya para siyang inilulutang sa ere.

"Salamat, pangako magiging kapakipakinabang ako!"

Pumasok sila sa loob nang kastilyo at higit na namangha si Lyra. Maraming unipormadong tagasilbi ang nakahanay ng maayos at sabay-sabay na tumungo habang dumaraan sila sa carpet. Ginto't pilak ang nangingibabaw na mga kagamitan.

"Kamahalan, inihanda na namin ang paliguan at kasuotan para sa iyong bisita." Isang babaeng may katandaan at kasungitan ang anyo ang nagsalita.

"Lyra, sumama ka sa kanila para makapaglinis ka na." Hinawakan ni Crescent ang kanyang buhok.

Raised by Wolves I ( Revised )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon