Dedicated to BelomaCassidy. na-inspire po kasi ako sa mga gawa nyo. ikaw po una kong naisip nung may makita ako dito kung kanino pwede idedicate. ur 1 of my fav author dito s watty. mapag-tyagaan mo sana tong gawa ko. hehe. thank you!
Mhae's POV
"Iniwan na naman ako ng magaling ng lalaking yun! nakita na naman kasi nya yung babaeng yun eh! bwiset sya! magsama sila! argh! kung hindi ko lang sya mahal eh. syempre sa isip ko lang yun sinabi noh. baka may makarinig pang iba. lagot na.
Kung iniisip nyo kung sino ang magaling na lalaking yun, sya si Stephen, bestfriend ko since childhood. oo, tama kayo ng rinig. Bestfriend forever ang drama namin. saklap no? kaya hindi ako makaamin eh. lalo na't babae ako.
Magkaklase kami since kinder hanggang sa mag high school kami. ngayong college lang kami nagkahiwalay. magkaiba kasi ang course na ni'take namin. pero same university pa rin. magkasama pa rin kami tuwing break or lunch break.
Kaso nitong mga nakaraang araw, madalas mag-isa lang akong maglunch. tulad ngayon, papunta kami ng canteen ng hatakin na naman sya nung babaeng ewan na yun. pero aaminin ko, maganda sya ha. hindi mhae! mas maganda ka sa kanya! hala! ba't parang biglang lumakas ang hangin? makaorder na nga lang ng makakain na. kung anu-ano na ang naiisip ko.
Nang makaorder na ko ay nilibot ng mga mata ko kung saan ako pwedeng maupo. pero as usual, wala ng vacant table. lagi na lang. ba't kaya hindi pa nila to ipasara? try ko na lang kayang kumain habang nakatayo? tutal hindi ko pa naman nasusubukan yon.
"Mhae! Mhae! Banda dito."
Hinanap ko kung sino ang tumatawag sa'kin. nang lumingon ako sa may bandang likuran ko, nakita ko si Drew na sinesenyasan ako na pumunta sa may table nila. napansin ko naman na may bakante pang upuan. kasama nya si Dave, isa sa mga kabarkada nito. isa si Drew sa mga manliligaw ko. o diba? haba ng hair ko? haha. sinabi ko sa kanya na ibaling na lang nya sa iba ang nararamdaman nya (laging yun ang sinasabi ko sa mga nanliligaw sakin), pero makulit eh! ayaw tumigil! bahala sya.
Nang makalapit na 'ko sa kanila, nakita kong pinalipat nya sa katapat na upuan si Dave at pinaupo nya ko sa nabakanteng upuan ni Dave sa tabi nya. Nang makaupo ako't magsimula ng kumain ay bigla syang nagtanong.
"Asan si Stephen?" muntik na kong mabilaukan sa tanong na iyon ni Drew. napatingin ako sa kanya sa mapaghinalang tingin. kabilang rin ba ito sa pederasyon? alam nyo na.
"Drew ah. si Stephen na ba? kaya ka siguro lumalapit sa'kin dahil kay Stephen nu? sana sinabi mo nang mas maaga." sabi ko sa kanya na ikinalaki ng mga mata nya.
"Sinasabi mo bang bakla ako?!" tanong nya sa'kin na parang medyo naiinis.
"Huuu... aminin mo na. tayong tatlo lang naman nila Dave ang makakaalam eh. promise! secret lang natin 'to." ako sa may mahinang boses sabay taas ng kanang kamay. nang lingunin ko si Dave, halatang nagpipigil sya ng tawa.
"Gusto mo bang halikan kita ngayon ng matigil ka?" banta naman sa'kin ni Drew.
"Wala namang ganyanan Drew. para nagbibiro lang eh. diba Dave?" sabay tingin kay Dave. hala! ba't tumatawang mag-isa 'to? nabaliw na ata.
"Siguro nagseselos ka no? kasi si Stephen ang tinanung ko imbes na kamustahin ka? ayiih! aamin ka lang. tayo na agad." si Drew na ang laki ng pagkakangisi. nakadrugs ba mga tao dito??
"Ako magseselos? spell asa Drew? eh ba't kasi hinahanap mo sya?"
"Lagi kasi kayong magkasama eh. nagtataka lang ako ba't hindi ata kayo magkasama ngayon. pero mas okay sa'kin 'to. tayo lang dalawa. walang asungot." si drew.
BINABASA MO ANG
B.I ka talaga! (One Shot)
Short Story'first ever story ko po. sana po magustuhan nyo. enjoy!