A/N: Mamaya ulit. hahaha. Hindi ako nakapag UD kagabi. Umaga ko na nga to naumpisahan, nakatulog pa ko sa sofa lol.
#BeautifulBltch~
~~~~~~
*Essie’s P.O.V.*
Nagsimula na kaming magayos, dahil 2 hours na lang maguumpisa na yung party.
*Tok* *Tok*
“Sino yan? Pasok. “ sabi ko habang busy sa pagpapatuyo ng buhok ko. Nagulat naman ako nung biglang pumasok si Tita Alex.
“Hi, Tita. Kayo po pala. Bakit po? “ Magalang kong bati sa kanya.
“Wala naman, iha. Ibibigay ko lang sana ito sa inyo. Nakalimutan ko kasing sabihin sainyo na ang theme ng party na to ay masquerade ball. So we all need to cover our faces. Andito na den yung kina Sapphire at Daniel. “ Sabi niya tapos inabot sakin yung mga mascara. Nagpasalamat ako tapos umalis na siya. Tinuloy ko na lang yung pagaayos ng buhok ko.
*Deniel’s P.O.V.*
Lumabas muna ako saglit. Hindi pa naman kasi nagsisimula yung party. Habang naglalakad ako may nakita akong isang bata, nakatingin lang siya sa kawalan. He just remind me of something. Napagdesisyunan kong lapitan siya at kausapin.
“Hey, Kid are you okay? “ I asked him then I sat beside him.
Hindi niya ko sinagot. Nakatanaw lang siya sa dagat. I dunno why, pero parang ang gaan sa pakiramdam na samahan siya dito. Tsk. Iniwan lang ako ni Saphhire nabaliw na ko. tsk.
“Are you mute? “ I asked him.
“No, I’m not. “ Bored niyang sagot.
“I’m Deniel and you? “ Pagpapakilala ko sa sarili ko.
“I’m Pheniel Santos. “ Matipid niyang sagot. Pero nayanig yung systema ko ng marinig ko yung pangalan niya.
Hindi ko inaasahang makakatagpo ako ng batang kapangalan ng anak namin ni Sapphire. Actually hindi naman kami nagkaanak eh. Iniwan niya nga ako for some other guy di ba? Tsk.