"Mama, may babae po."
Naalimpungatan ako dahil sa matinis na boses na narinig ko. Dahan-dahan Kong minulat Ang mga mata ko.Tumambad sa akin Ang isang batang babae. Maybe six or seven years old. Agad akong napatayo ngunit agad din namang napahiga nang biglang sumakit Ang ulo ko. The hell!
"Sushen , Nasaan ka?"Rinig Kong sigaw ng isang babae sa di kalayuan. Her mom,I guess.
"Mama, nandito po ako."
Sagot Naman ng batang babae. Pinikit ko muna Ang mga mata ko at inalala Ang mga pangyayari.Tinraydor kami Ni Nikko, pinagexperimentuhan nila ako. Tinulungan ako Ni Rika na makatakas. Ang pagtakas at pagkahulog namin sa bangin Ni Mr. Adolfo- wait. Nasaan siya?
Iminulat ko Ang aking mga mata at umupo kahit masakit pa Ang ulo ko.
"Miss, okay ka Lang?"
Di ko pinansin Ang babae na sa tingin ko ay nanay ng Bata. Inilibot ko Ang aking paningin para hanapin siya. There was no sign of him.
"Miss, tulungan na Kita. Sumama ka muna sa amin sa bahay nang magamot natin yang mga sugat at galos mo nang maiwasan Ang inpeksyon."
" Wala ba kayong nakitang lalaki na sugatan rin?"
Umiling-iling Ang babae.
"Wala miss eh. Wag Kang mag-alala, tutulungan ka naming hanapin siya pag okay na Yung sugat mo.
Kaya mo pa bang tumayo at maglakad?"Tumanggo ako at dahan-dahang tumayo. Lumapit Naman siya sa akin at inalalayan ako. Bago kami maglakad palayo ay inilibot ko muna Ang aking paningin. Nagbabakasakaling makita ko siya pero wala akong nahagip ni anino niya.
Habang naglalakad kami sa gitna ng kagubatan ay sumagi sa isip ko si Mr. Adolfo. Saan na Kaya siya? Okay Lang kaya siya? May mga sugat din ba siya, katulad ko?
Napatigil ako sa pag-iisip nang bigla kaming huminto. Nasa harap kami ng isang bahay Kubo na napapalibutan ng bakod na yari sa kawayan. Binuksan ng babae Ang tarangkahan at tsaka ito itinulak para magbukas. Inalalayan nila ako papasok.
Pagkapasok namin sa bahay ay dahan dahan nila akong pinaupo sa upuang kawayan. Maya't maya pa ay nagsalita Ang babae.
"Miss, ako nga pala si Loida at ito Ang anak Kong si Sushen. Pasensya ka na sa bahay namin ha? Alam ko ring hindi ka komportable sa inuupuan mo ngayon. Sa tindig mo kasi, parang anak mayaman ka. Pagpasensyahan mo na sana."
" Okay Lang po Ate Loida. Hindi Naman pO ako maarte. Dapat nga ako Ang magpasalamat sa inyo dahil tinulungan niyo ako at pinatuloy. Tsaka wag niyo na PO akong tawaging Miss, Quin na Lang PO."
Napangiti naman siya sa naging sagot ko Kaya ngumiti ako pabalik.
"O siya, Iha. Dyan ka muna at ako'y magtutungo sa kwarto para kunin Ang gamot para diyan sa sugat mo." Paalam niya saka bumaling Kay Sushen na nasa lapag nakaupo habang minamasdan kaming nag-uusap.
"Sushen anak, kunin mo Yung maliit na palanggana tapos lagyan mo ng konting tubig tsaka tuwalya na maliit sa sampayan."
"Opo, mama" sagot Naman Ni Sushen saka nagmamadaling tumayo at umalis.
Isinandal ko Ang aking ulo at ipinikit. Iniisip ko Kung ano ang susunod Kong hakbang. Kailangan Kong magplano, dahil panigurado pinaghahanap nila kami Ni Mr. Adolfo. Ano kayang susunod na mangyayari? For sure, babaguhin Ang misyon namin since , isang espiya Lang pala Ang binabantayan namin. Dahil siguro sa matinding pag-iisip ay hinila na Rin ako ng antok.
Nagising na Lang ako dahil sa lakas ng kabog sa dibdib ko. Para akong hinahabol ng kung ano. Nang tuluyan na akong mag mulat ay labis na Lang Ang pagtataka ko. Nasa gitna ako ng kadiliman at tumatakbo. Hindi ko malaman kung bakit pero pakiramdam ko may humahabol sa akin.
"Quin?"
Napatigil ako nang marinig Ang boses niya. The most wonderful voice that I've ever heard Mula nung Bata pa ako. Though di parin nawawala Ang galit ko sa kanya but right now, longing knocks on my heart. I missed her. I missed my mom.
"Mom? Where are you?"
Sigaw ko sa kawalan. Inilibot ko Ang aking paningin but I could see no one but darkness.
"Quin, be strong. I love you. You know that, right?"
Rinig ko Ang hikbi niya habang binibigkas ang mga katagang Yun kaya unti-unti namang nagsi tuluan Ang luha ko.
"Mom? Are you alright? The news is not true, right? You're not dead! You're still alive. Please Mom! Tell me. You're still alive!"
"Quin-anak. I know galit ka sa akin. But always remember, mom is always there for you."
"No mom. Where are you? Take me please. Sasama ako sayo."
"No baby. Patuloy pang iikot Ang mundo mo. Ang sa akin ay tumigil na. But still, I'm always here for you. I will not leave you. Babantayan Kita lage. Live your life to the fullest. I know you're smart enough para malaman which is which."
"What do mean by which is which?"
"Truth and Lies."
Napatda ako sa narinig. Truth and Lies? What does it mean?
"Mom? Please sabihin niyo na Lang sa akin Ang lahat." Tawag ko sa kanya but no one answered me.
"Mom? Mom?"
I called but still no one answered." Mooooooooommmm!!!!"
Agad akong napabangon at napayuko habang hawak Ang aking ulo. Ugh! Nightmares. Nightmares. Kailan niyo ba ako lulubayan?
Napaangat ako ng tingin nang may isang pares ng paa akong nakita Kaya napaangat ako ng tingin. Nanlaki Ang mga mata ko sa nakita.
"Nightmares again, huh? Buti Naman at gising ka na."
"M-mr A-adolfo?"
He smirked as I called his name.
"Hey Love. Miss me???"
BINABASA MO ANG
Stalwart High " The Famous Quiny Valle""
Action"Love doesn't mean corrections, it is acceptance itself." Quiny Valle was set-up ,raped, and thrown to the mysterious school of Stalwart High- a front of a secret organization na tumutulong sa mga otoridad sa paghuli ng maimpluwensyang kriminal. But...