"Sige, papayag akong makipag-date sa 'yo, pero dapat ganito ang usapan... Kung makaabot ng one hundred thousand likes ang status mo sa Facebook-na nagsasabing gusto mo akong maka-date, okay magdi-date tayo. I will just give you a week to do that task and gain likes." Pahayag ni Kiefer.
Gagawin ni Morphine ang lahat ng paraang alam niya para maka-date lamang ang lalaking pinakamamahal niya sa buong mundo-na si Kiefer Sandejas, ang sikat at heartthrob na member ng kanilang Basketball team. Unang kita pa lamang niya sa binata ay tinamaan na siya nang husto dito-she was enchanted by his very charming smile.
Araw-araw siyang nagpapapansin at nagpapa-cute dito, pero parang walang epekto ang mga ginagawa niyang 'yon dito. Pero hindi siya basta-basta susuko! Nagpagawa siya ng tarpouline, naglibot sa mga baranggay, nagpatulong sa kanyang mga kaibigan at nagpa-anunsiyo sa radyo para i-like ang status niya sa Facebook, kung desperada ang tawag sa mga ginagawa niya ay desperada na nga talaga siya!
But sadly, hindi umabot sa one hundred thousand likes ang Fb status niya sa itinakdang panahon ni Kiefer. Kaya nagulat na lang siya nang bigla itong magyaya ng date sa kanya! Daig pa niya ang nanalo sa isang Beauty pageant, dahil sa wakas ay makakasama at makaka-date na niya si Kiefer Sandejas!
He's really nice, friendly and fun to be with. Ngunit paano kung hanggang kaibigan lang pala ang kayang ibigay nito sa kanya? Ano pa bang mga paraan ang dapat niyang gawin para mapaibig ang isang Kiefer Sandejas? Ayaw niyang makaramdam ng MU dito-as in 'Mag-isang Umiibig'!
BINABASA MO ANG
The Perks of being in Love (Published under PHR-COMPLETED)
Teen FictionPapatunayan ni Morphine na pantay-pantay na ang mga kababaihan at kalalakihan ngayon, dahil siya na ang manliligaw sa campus crush at love na love niyang si Kiefer Isaac! <3 (Inspired by Kiefer Isaac Ravena)