Prologue

5.9K 111 2
                                    

"AYOKONG sumama sa inyo dahil busy ako sa buhay ko! Kayo na lang ang manood ng Basketball game dahil hindi naman ako nanonood niyan e." pahayag ni Morphine sa kanyang tatlong mga kaibigan.

Niyayaya kasi siya ng mga ito na dumayo sa Saint Thomas University para manood ng exhibition game ng kanilang school laban sa STU Basketball team. Hindi siya fan ng Basketball at wala siyang kakilala ni isa man sa mga players sa basketball team nila, kaya bakit pa siya sasama? Baka masayang lang ang kanyang ginintuang oras.

Nagulat siya nang bigla na lang hampasin ni Rico ang braso niya, her gay friend. "Ano ka ba?! Nakakahiya ang School natin kung walang pupunta doon para mag-cheer sa basketball team natin, saka ang daming mga Fafas doon! Kaya sumama ka na." sabay hila nito sa kanya patayo sa kanyang kinauupuan.

Nasa Pharmacy Lab sila noon at katatapos lang ng kanilang klase, mamayang after lunch pa ang resume ng kanilang huling klase kaya mahaba-haba ang kanilang vaccant time. At gusto na lang niyang manatili sa Lab at magpahinga, napuyat kasi siya sa pagbabasa ng ilang pahina sa makapal na RPS book kagabi, para sa assignment nila.

"Halika na girl, dagdag ingay at cheer din tayo doon." Ani Mhel.

Hindi talaga marunong umintindi ang mga kaibigan niya ng salitang 'ayoko', kaya sa huli ay sumama na rin siya para matigil na sa pangungulit ang mga ito at para sa pagmamahal at suporta na rin sa kanilang school.

Nawindang siya nang makarating sila sa gymnasium ng STU, dahil sa sobrang dami ng mga taong naroon, may mga nakilala at namukhaan siyang mga school mates nila ang naroon at nakahawak ng asul na lobo na marahil gagamitin sa pagtsi-cheer sa kanilang team, pero mas marami pa rin ang cheerers for the STU, home court advantage.

AT NAGTAPOS ang game ball sa score na sixty three to sixty one, natalo ang kanilang school. Gayunpaman, maganda ang naging laro ng team at bawat miyembro ng kanilang koponan. Hindi siya nanonood ng Basketball pero bigla siyang napa-cheer kanina at napagtanto niyang hindi naman pala gano'n ka-boring ang panonood no'n.

"Bawi tayo sa susunod na game, cheer up team!" mula sa bench ng kanilang mga players ay napatitig siya sa lalaking nakangiti at nagsasalita sa harapan ng team mates nitong noon ay mukang pinagsakluban ng langit at lupa ang mga hitsura dahil sa pagkatalo. "We had a nice game, though." Nakangiting dagdag pa ng lalaki.

Saglit na tumigil ang pag-inog ng mundo niya nang makita niyang muling ngumiti ang lalaking nakasuot ng number fifteen na jersey uniform ng kanilang School. Hindi niya ito kilala dahil first time niyang manood ng game ng kanilang School.

At gano'n na lang ang biglang pagkabuhay ng interes niya sa lalaking 'yon, na bihirang mangyari sa kanya dahil madalas mga sikat na male celebrities lang ang nakakaagaw ng atensyon niya—and the guy was so handsome—but the thing that was really caught her attention was his optimistic attitude and at the same time, she was mesmerized and enchanted with his beautiful smile.

Mayamaya ay bigla na lang siyang napatayo, pumalakpak at sumigaw. "Saint Matthew Academy is still the best!"

"Morphine?" narinig niyang sabay-sabay na sambit ng mga kaibigan niyang nakaupo sa tabi niya.

"Saint Matthew Academy is the best!" muling sigaw niya, napalingon sa kanya ang mga players ng team nila even the other players of STU, nakita niyang napangiti ang naka-number fifteen na jersey sa kanya, mayamaya ay kumindat ito sa kanya at nag-thumbs up.

Her heart skipped a beat. Is this love at first wink? May gano'n nga ba? Bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa ginawa ng lalaki—but it was the one best feelings she had ever felt.

Hindi siya gano'n kalayo mula sa kinaroroonan ng lalaki, kayang kitang-kita niya ang kabuuan ng hitsura nito. And he is the epitome of the words; tall, dark and handsome, but he's not actually dark, bagay lang dito ang description na 'yon—kayumanggi ang balat nito at pinoy na pinoy ang dating—na mala-Richard Gomez and he has the best and the cutest smile ever, maganda rin ang pangangatawan nito at cool na cool ang finger combed hairstyle nito.

Napansin niyang maraming mga babae ang nagtsi-cheer kanina dito, bukod kasi sa napakahusay nitong maglaro, he was also awesomely handsome!

"Akala ko ba hindi ka fan ng basketball, e kung makasigaw ka naman daig mo pa ang isang avid basketball fan." Natatawang sabi ni Rico.

Napahawak siya sa tapat ng puso niya, saka muling pinakatitigan ang lalaking nakasuot ng jersey number fifteen.

Umiling siya. "I think I already love basketball..." Nakangiting sabi niya. "And I'm in love!"

"What?" sabay-sabay na tanong ng mga ito.

Bumaling siya sa mga ito at nakita niya ang pagtataka sa mga mukha ng mga ito dahil sa mga sinabi niya. Biglang tumayo si Max para salatin ang noo niya, pinakiramdaman nito kung mayroon bang biglang dumapong sakit sa kanya, but she was totally fine!

"That number fifteen player," sabay turo niya sa lalaking nakangiti pa ring nagtsi-cheer up sa mga kasamahan nito. "Who is he?"

"He was a transferee student from the US of A and his name was Kiefer Sandejas, one of the cutest players in our team." Nakangiting sagot ni Rico.

"Kiefer Sandejas?" napahawak siya sa kanyang magkabilang pisngi. "Oh! What a cute name... bagay kami!"

"What?"

"Guys, I think I'm in love! I'm in love! I'm officially in love... with him!" aniya, hindi na niya pinakinggan ang isasagot ng mga kaibigan niya nang mabilis na siyang bumaba mula sa patron seat na kinaroroonan nilang magkakaibigan kanina, para sundan ang lalaking nakita niyang lumabas na noon ng gym. Mabilis siyang tumakbo para habulin ito. "Wait!" sigaw niya, halos maglingunan ang mga tao sa lakas ng sigaw niya, she never been this desperate in her whole life and she never chase any guy in her nineteen years of existence, ngayon pa lang. Tumigil ang lalaki sa paglalakad, saka mabilis na bumaling sa kanya.

"Are you talking to me?" nagtatakang tanong nito sa kanya. Mas guwapo ito sa malapitan; may kakapalan rin ang kilay, makinis ang morenong balat, maganda ang ilong at talaga naman bagay na bagay dito ang katagang—tall, dark and handsome, dagdag pa na malakas talaga ang dating nito.

Tumango siya saka ngumiti dito. Naramdaman niyang parang biglang may mga paru-parong nagpapatintero sa loob ng kanyang sikmura.

"Y-You played really good a while ago." Nauutal na puri niya sa lalaki, and she had never praise anyone before, ngayon pa lang. What's happening to her?

"Thanks," nakangiting sabi nito. At may maliliit pa pala itong dimples sa gilid ng labi nito, so cute! "And thank you also for the cheer a while ago."

"W-Walang anuman," nakangiting sagot niya. Naalala pala nito ang ginawa niya kanina. "May itatanong sana ako..."

He flashed his killer smile. "Sure, ano 'yon?"

"D-Do you believe in love at first sight?"

"No."

Bigla siyang nanlumo sa isinagot nito. "Do I have to walk past you again?"

"What?"

Nginitian niya ito. "I'm Amorphina 'Morphine' Reyes and I think I was struck by the invisible arrow of Mr. Cupid, and I'm already in love... with you."

And that was the first confession she had ever done in her whole life. She never felt this way before, indeed, she was really in love.

The Perks of being in Love (Published under PHR-COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon