Yumi's P.O.V
"Waaaaah! Sobrang nakakaiyak, bakit kasi kailangang mamatay pa silang dalawa!?" sigaw ko habang nagpupunas ng luha ko. Kakatapos ko lang kasing manuod ng anime na RomeoXJuliet at hindi ko matanggap na namatay sila. Huhuhuhuhu. Siya nga pala, ako si Yumi Elezalde 4th year highschool student at PROUD OTAKU! ^__^V
"Yumi! Nandito na si Marco" sigaw ni Mama sa baba, habang ako naglalakad papuntang cabinet na puno ng CD's ng iba't-ibang anime.
"Papasukin mo nalang rito Ma" sigaw ko pabalik. Si Marco ay besfriend ko na ayaw na ayaw sa Anime, ewan ko nga kong bakit naging kaibigan ko yan di naman kami magkasundo pagdating sa paborito ko.
"Nanunuod ka na naman ng anime!?" naiiritang tanong niya saakin habang isinasalang ko ang Angel Beats na CD sa player.
"Eeehh, pabayaan mo nga ako manuod ka nalang kasi kasama ko" sabi ko sa kanya. Lumapit naman siya saakin.
"Umiyak ka ba?" mahinahahong tanong nya. Nung sinabi niya yun biglang tumulo ang mga luha ko. Naaalala ko na naman ang masaklap na pagtatapos ng RomeoXJuliet. :'(
"Waaaaaaaaaaah!" ngawa ko. Kinuha ko yung tissue at ipinahid sa mga mata ko na patuloy parin sa pag-iyak.
"Hoy, anyare sayo? Sinong umaway sayo!? Uupakan ko!" natatarantang sabi niya.
"Eh kasi naman eh. Namatay kasi yung bida sa pinapanuod kong anime! Huhuhuhu hindi ko matanggap kaya iniiyakan ko. Pero infainess ang gwapo ni Romeo" sabi ko sa kanya. Bigla niya akong binitiwan at lumabas ng kwarto ko. Huminto naman ako sa pag-iyak.
"Anyare dun?" tanong ko sa sarili ko. Bahala siya diyan manunuod nalang ako ng Angel Beats! :)
KINABUKASAN
"Ma alis na po ako!" sigaw ko at lumabas na ng gate. Sumakay ako ng tricyle at nagpahatid sa school.
SCHOOL
"Marco!" tawag ko kay Marco at sumabay sa kanya maglakad papuntang room.
"Alam mo ba naawa ako dun sa lalaki sa anime na Angel Beats, umamin kasi siya sa babae pero mawawala na pala yung babae" kwento ko sa kanya pero wala siyang reaction.
"Kyaaaaah! At alam mo ba, ang gwapo-gwapo ni Usui Takumi sa Kaichou-wa Maid-sama! waaaaaah! siya na ang prinsepeng papakasalan ko!" natutuwang sabi ko sa kanya, pero iniwan niya ako at pumasok na sa room.
"Problema nun?" tanong ko ulit sa sarili ko. Madalas na yata akong nagtatanong sa sarili ko ah? HAHAHAHA
"Manhid ka kasi" sabi ng isang boses sa likod ko.
"Ailene? Ako manhid? Bakit naman?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Hindi ko siya maintindihan!
"Haaay Yumi hindi kalang manhid, ang slow mo pa" sabi niya at pumasok narin sa room. Seriously! ang weird nila! Pumasok narin ako ng room at umupo sa upuan ko na katabi ng upuan ni Marco. Hinihintay namin yung teacher, pumasok ang isa kung kaklase at sumigaw.
"Wala raw si Ma'am!" sigaw niya.
"Yes! walang pasok!" sigaw ng mga kaklase ko. Yeeehhhhhheeey! Manunuod nalang ako ng anime sa cellphone ko. ^_____________^
"Anong ginagawa mo?" tanong ni Marco pero hindi ako sumagot. Eh sa busy ako e, kailangan kong magconcentrate dahil pinapanuod ko ngayon si Levi ng Shingeki no Kyojin. Kyaaaaah! Ang hot niya at ang galing niya pang makipaglaban! ^______^
"Anime na naman!?" naiinis na sabi niya.
"Anong bang problema mo sa anime Marco?" mahinahong tanong ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot at umalis ng room. Yung totoo? Walk-out king ba yang besfriend ko? Hahahahaha. Sumapit ang uwian at umuwi na kami. Kasabay ko si Marco pauwi.
"Marco meryenda tayo sa bahay" aya ko sa kanya. Tumango naman siya. Nang makarating kami sa bahay nagpahanda ako kay Ate Melda ng pagkain, wala kasi si Mama eh, nasa trabaho. Tinulungan ko narin si Ate kaya naiwan si Marco sa sala namin.
"San na yon?" tanong ko dahil wala na rito si Marco sa sala. Umakyat ako papuntang kwarto ko.
"OMYGHAD! Marco anong ginagawa mo!? Bakit mo pinpunit yang mga anime poster ko!? At bakit mo sinisira ang CD's ko!?" sigaw ko sa kanya. Huhuhuhuhu naiiyak na ako, wala na ung mga anime posters ko pati narin yung mga CD's ko at iba kung koleksyon. :(((((((((( Waaaaaaaah! bakitttttt? Matagal ko ng inipon ang mga yan huhuhuhu. Patuloy parin siya sa paninira ng gamit ko. :(((
"Ano ba Marco! Tigilan mo na yan!" sigaw ko sa kanya " Ano bang problema mo!?" dagdag ko pa.
"Yang anime mong yan! Yan ang problema ko! Palagi ka nalang umiiyak sa tuwing makakakita ka ng malungkot na ending at naiinis ako tuwing makikita kang umiiyak!. Palagi kang nagkwekwento saakin ng anime. Hindi mo ba nakikitang hindi ako interesado sa ganyan!? Hindi ako makapagtapat sayo dahil sa anime na yan! At naiinis na ako sa mga lalaking yan! Palagi mo nalang silang binabanggit! Nagseselos ako! Mas gwapo naman ako sa kanila ah, at totoo ako sila hindi! Hindi mo ba makita yun Yumi!? Mahal kita!" mahabang sabi niya saakin. Nganga ako. Humyaghad kinikilig akoooooooo! Gago talaga to, mahal ko rin naman siya. :)))))))
"Pakiulit nga" sabi ko sa kanya. Tiningnan niya naman ako ng masama.
"Joke lang hahaha" sabi ko at nagpeace sign.
"Matagal narin kitang mahal Marco, hindi ko nga lang sinasabi sayo dahil baka masira ang pagkakaibigan natin kaya itinuon ko nalang lahat sa anime. Pero gago ka! bakit mo sinira yan!? Malaki na ang nagastos ko diyan!" sigaw ko sa kanya. Sheeeeeet. mahal niya akoooo. Amazing! HAHAHAHA
"Tss. Tapon mo na lahat yan. Pano ba yan, tayo na?" tanong niya saakin. Eeeeeehhhhh mamamatay na ata ako sa kilig! Pero wag muna! HAHAHA magiging kami pa! Etchos!
"Hoy ano ka, sinuswerte!? Manligaw ka muna oy! Kung hindi pagpapalit talaga kita kay Levi at Usui ko!" sabi ko sa kanya at ngumiti.
"Yes!" sabi niya at binuhat ako at inikot-ikot.
"Hoy! Ibaba mo ako! Nahihilo na ako!" sabi ko sa kanya habang nakangiti.
"Ba't ang saya mo? Hindi pa kita sinasagot Marco pinapayagan palang kitang manligaw! Wag excited hahahaha" natatawang sabi ko sa kanya.
"Kahit na no! Ang saya-saya ko dahil pinayagan mo akong manligaw sayo! I love you Yumi!" sabi niya at ngumiti. Oh well, mamaya ko nalang pababayaran ang sinara niyang anime collection ko. Maglalabing-labing muna kami. HAHAHAHA Joookeee! :)
After 3 months sinagot ko na rin si Marco at ngayon anniversary na namin! <3
DAHIL SA ANIME NAGKALOVELIFE AKO! <3 :)
I LOVE YOU MARCO PORRAS! <3 <3 <3
--------------------------------------------------------END -----------------------------------------------------
Vote.Comment.FollowMe
A/N:Hello! Panibagong one-shot hahahaha sana magustuhan niyo, ginawa ko dahil bored ako HAHAHAHAHA. Dedicated sa lahat ng Otaku ^___________^.
Enjoy Reading! :)Don't foreget to vote! :)