Chapter 1: Isang Umagang Kayganda

3.3K 8 1
                                    

          Noong unang panahon sa malayong Baryo ng San Vicente, matatagpuan ang isang dalagang talaga namang may kakaibang ganda. (Sa sobrang ganda nya, mapapa nganga ka! promise!)

          Ganito mag sisimula ang lahat. Si Nena ay ang nag iisang anak ni Mang Kanor at aling Luding. Pagsasaka ang ikinabubuhay nilang mag anak. Si Aling Luding ay tumatanggap ng labahin para may dagdag silang pinagkaka kitaan. Simple lang ang kanilang pamumuhay. (Wala nang maisip na description ang author ng kwentong ito kaya ganyan lang ang mababasa nyo tungkol sa kanila)

          Isang umaga ng Miyerkules, inutusan ni Aling Luding si Nena na mag dala ng makakaing almusal sa bukid para kay Mang Kanor.

"Nena gumising ka na!" Tinig ni Aling Luding mula sa kusina. 

Gising na nang mga oras na iyon si Nena. Nag mumuni-muni lang sya para masaya.

"Nariyan na po." Sagot ni Nena na may pagka malumanay ang pagsasalita.

Medyo may pagka Solenn Huesaff ang itsura ni Nena. Maputi nga lang sya at straight ang buhok. (Pahabol lang sa description ng Character para naman may idea kayo kung gaano sya kaganda.)

Anyway, balik tayo sa kwento. Kumuha ng damit sa Aparador (nuks! lumang luma ang datingan) si Nena at dadalhin nya iyon sa Ilog. Maliligo na kasi sya.

Naglakad patungong ilog ang dalaga nang biglang...

"Ay, Shhhhh--" muntik nang mapamura.

Nakatapak kasi sya ng Esbum (dumi ng hayop) ng Aso sa daan.  Napapikit siya ng 3seconds at sabay hinga ng malalim.  Hindi nya ito pinansin at tumuloy na lang sa Ilog.

Itutuloy ...

Ang Alindog ni NenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon