Maraming katanungan dito sa'king isipan.
Na mapahanggang ngayon hindi pa nabibigyan kasagutan.
Di ko na alam kung san ko ilulugar 'yung sarili ko.
Kasi kahit tama 'yung gawin ko mali parin ako.
Nasa'n ba 'yung mali?
Sa salitang pag-ibig—
Umibig lang naman ako
Ng babaeng iba ang gusto.
Mahirap mang tanggapin
Pero 'yun ang totoo.Minamahal kita.
Habang nagmamahal ka nang iba.
Mali pa rin ba ako?
Mali na naman ako?
P*ste namang buhay 'to
Nagmamahal lang naman ako nang totoo.
Kahit nasasaktan na ako.Nakakabobo ba talaga ang magmahal?
Oo.
Siguro.
Baka?
Ewan.
Nasira lang naman 'tong buhay ko.
Simula nang dumating ka sa dati'y tahimik kong mundo.Bakit ka pa kasi dumating?
Kung pwede namang hindi tayo pagtagpuin.
Ng tadhanang gusto ko nang tanungin—
Ng mga bagay na kahit ako hindi ko kayang sagutin.Pinagtagpo tayo ng tadhana.
Pero hindi tayo ang itinakda.
Tanging papel mo lang naman sa buhay ko—
Guluhin ang nananahimik kong mundo.
At di ka pa nakunteto,
Sinama mo pa pati puso ko.Kaya ito ako ngayon—
Ang dating tahimik naging magulo.
Ang dating payak naging kumplikado.
Ang dating malinaw ngayo'y naging malabo.
Pero ito ang tatandaan mo;
Sa susunod na magkita tayo,
Di na ako ang dating winasak mo.
BINABASA MO ANG
Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing House
PoesiaFilipino poetry at pinaghuhugutan