Chapter 1
Aine's POV
Nandito kami ngayon sa coffee shop ni Jorel sa may Makati. Isa sya sa mga may ari ng Honey Cream Puff kasama ng younger sister nya na si Aimee. Ewan ko ba dyan kay Jorel, he graduated Mechanical Engineering sa Mapua before, then nagtake ng Elementary Education sa University of Makati na syang pinursue nya hanggang sa ngayon...nakapag LET pa nga rin sya eh. Kasama rin namin ngayon sina Itchan, Dawn and Rye, tulad ko at ni Jorel, mga teachers na rin sila ngayon, that means magkakaklase kami noong college and naging best of friends hanggang ngayon. By the way, My name is Madelaine Clarente, Aine for short at isa rin ako sa mga staff ng Coffee shop na ito, and hopefully, maging isang teacher after ko kumuha ng board exam this year.
"Ibang klase talagang magpakape itong si Jo, sinong mag-aakala na mura lang ang benta sa mga coffee at donuts sa coffee shop na ito?" birong sabi ni Itchan.
"Sira ulo ka talaga kahit kailan Itchan!" sita ni Rye sa kanya. "Ubusin mo na nga yang kape mo at nang makalayas ka na dito.."
"At kami lang talaga pinalayas mo? parang ikaw may ari nitong shop ah..." pabiro na namang sabi ni Itchan.
"Hay naku, tigilan nyo na nga yan..." sabi ko "Jo, pupuntahan ko muna yung counter ha, baka kailangan ni Apple ng tulong."
"Okay. Sure." sabi ni Jorel at nagpaalam muna ako sa mga kaibigan ko saka naglakad papunta sa counter.
Jorel's POV
Masuwerte talaga ako na kahit papaano, nakakatulong si Aine dito sa shop namin ni bunso. Kasi naman itong si Aimee, tatayu-tayo ng business, ako naman ang pinasalo sa lahat ng responsibilidad, hello? teacher kaya ako no, di kasi nakasabay sa amin si Aine sa pagtake ng LET last year dahil kulang daw ang pambayad nya for the review.
Flashback
"Walanjo, puwede ba kitang makausap?" sabi ni Aine sa akin.
"O, ano yun?" tanong ko
"Jo, baka may alam ka na pwede kong i-sideline?" sabi ni Aine
"I-sideline? bakit?"
"Kasi naman, di na nga ako nakasabay sa inyo sa review last year tapos di pa ako makakapagtake ngayon ng LET, nanghihinayang ako..." sagot ni Aine. "Pandagdag ko lang pambayad sa review tsaka sa exam."
"Eto talagang babaing to..." sabi ko sa sarili ko. "Okay, pwede ka bang tumulong sa coffee shop, di ko kasi masyadong matutukan yun kasi alam mo naman, nagtuturo rin ako, don't worry, suswelduhan kita, isipin mo na lang, tulong ko sa'yo yun..." sabi ko.
"Talaga? thanks Jorel, maasahan talaga kita, thank you..." sabi ni Aine sa kanya.
End of flashback.
Kaya ayun, isa sa mga katulong ko dito sa shop si Aine...and teka, si Rye, kanina pa nakatingin sa kanya...hay naku, umaasa pa rin talaga itong taong ito...naman! Kaya nang umalis na ang iba naming kaibigan at kami na lang ni Rye ang natira, kinorner ko na sya.
"Psst...napapansin ko tinginan natin kay Aine ah..." sabi ko sa kanya.
Rye's POV
"Psst...napapansin ko tinginan natin kay Aine ah..." sabi ni Jorel sa akin
"Ha? ah...eh...hindi ah, ikaw talaga Jo..." sabi ko.
"Aysus! Ryan C. Sarmiento, ayus ayusin mo nga yang buhay mo brad, for all I know, nanghinayang ka sa almost a week nyo lang relationship ni Madelaine..." sabi ni Jorel sa akin.
Nga naman, nung 2nd year college kami, na hiniwalayan ako ni Ella, Aine has been my companion, lahat ng sama ng loob ko, ibinuhos ko sa kanya, she knows how to make me smile, pero ewan ko sa kanya, hanggang kaibigan lang siguro ako pero sana di naman, sana may chance pa rin ako to get her heart.
"Masama bang umasa Jo?" I asked Jorel.
"Di naman brad, pero tingin ko, parang kuya lang tingin nya sa iyo, the same treatment na natatanggap namin ni Itchan mula sa kanya." sagot nya sa akin.
"Hay...ewan..." nasabi ko na lang kay Jorel sabay inom sa Cappucino coffee ko.
BINABASA MO ANG
Only Human
FanfictionMasaya ka kapag nakikita mo siya, pinapangiti ka niya, at gusto nya na maging bahagi sya ng buhay mo. Gusto rin nyang ikaw ang makasama sa bawat pag-abot nya ng mga pangarap na gusto pa niyang abutin. Pero paano kapag nalaman niyang may matinding pa...