Six

58 3 0
                                    

SIX

Kahit na napaso ang labi ko ay hindi ko pa rin magawang alisin ang tingin ko sa lalaking papalapit sa amin.

Hindi ako natulala dahil sa matangkad siya. Hindi rin ako nakakanganga ngayon dahil sa matangos na ilong, singkit na mata at sa makinis niyang balat. At mas lalong hindi ako napalunok dahil sa pinkish at kissable lips niya. Sa sexy at ganda kong 'to sa tingin niyo magkakainteres ako sa kanya? Nah! Hindi ko siya type noh! I swear!

At bago pa ako maakusahang defensive at in denial ay pinunasan ko muna ang laway na tumulo na pala sa gilid ng labi ko. Ang gross ko lang. Pero siyempre nagbibiro lang ako. Kababuyan naman na magdrool pa ako ng dahil lang sa lalaki noh.

"Dale! Mabuti naman at nakarating ka ng maayos. Kamusta ang biyahe?" Excited na tanong ni Mang Erning sa lalaking nakalapit na sa amin.

"It's okay." Sagot naman ni Dale. Muntik na naman nga akong mapabuga sa iniinom ko eh. Bakit ganun ang boses niya? Sagutin niyo ako! Bakit? Bakit? Bakit?! Bakit ang sarap sa pandinig? Kainis. Hahahaha!

"Oo nga pala, nandito din si Saddie. Anak ng bestfriend ni Ma'am Helena. Siya talaga ang susundo sayo." Pakilala sa akin ni Mang Erning dahilan para mapalipat ang tingin ni Dale sa akin. Napatayo tuloy ako sa pagkakaupo. Alangan namang makipag-usap ako sa kanilang dalawa na nakaupo? Magkastiff neck pa ako.

"Hi, I'm Saddie. Can we go home? Mom's waiting you there." Sinabi ko agad sa kanya. Nakakailang kasi na iintroduce ko yung sarili ko sa kanya tapos magseshakehands kami. Ang formal masyado.

Ang ganda lang ng reply niya ha! Tinanguan lang ako. Nauna na nga lang ako maglakad sa kanila habang nakasunod sila sa akin at kinukwentuhan siya ni Mang Erning sa mga nangyari sa taong wala siya dito. Nagulat ako na eighteen years din pala bago siya nakabalik sa Pilipinas. Napaisip tuloy ako kung bakit siya umuwi dito ng biglaan. Sinabihan kasi ni Tita Helena si mom in a short notice kaya hindi si mom ang nakasundo sa kanya.

"Saddie, saang kotse si Dale sasakay?" Pukaw sa atensyon ko ni Mang Erning.

"Uhm.. pwede po bang sa inyo na lang? May nakalimutan po kasi ako na aasikasuhin ko nga pala ngayon. Pakisabi na lang kay mom na pupunta ako sa dinner." Paalam ko.

"Ganon ba? O sige makakarating kay Ma'am Sandy." Sabi ni Mang Erning na ang tinutukoy ay ang mommy ko.

"Sige po, mauna na po ako. Dale, ingat kayo." Ngumiti ako sa kanya at nagmamadali ng sumakay sa kotse ko at tinawagan ang aking dearest friend.

"Bakit na naman Saddie? Ngayon pa lang ako makakatulog ng matiwasay tapos mang-iistorbo ka agad?!" Paangil na sagot sa akin ni Allison.

I can't help but to laugh at her reaction.

"Hoy, bruha! Ganyan ka ba bumati sa pinakasexy at pinakamaganda mong kaibigan?" Nang-aasar na tanong ko sa kanya.

"Shame on you! Di hamak na mas maganda at sexy naman ako sayo noh!" Kahit kailan talaga di papatalo sa kayabangan 'tong magaling kong kaibigan.

"Ano na naman bang problema mo at napatawag ka sa akin?"

"Wow! Ang galing mo naman! Paano mo nalaman?" Painosenteng tanong ko rin sa kanya.

"Di ba pwedeng mamaya mo na lang sabihin iyan kapag nakakuha na ako ng sapat na tulog? Hindi makakapagfunction ng matino ang utak ko!" Ipinagpapasalamat ko talaga na wala ako sa tabi niya ngayon dahil paniguradong hinagis na niya ako sa labas ng kwarto niya matahimik lang ang mundo niya. Amazona kaya iyan. Di lang halata.

"Sorry dear pero hindi na 'to makakapaghintay ng matagal. Baka bigla na lang mawala yung sagot sa problema ko kapag pinatagal ko pa." Seryosong sabi ko sa kanya para maalerto ang tsismosa senses niya.

"Ang ulyanin mo naman kapag nawala agad sa isip mo yun. I-note mo na lang sa phone mo para di mo makalimutan." Allison sounded already pissed.

"Mawawala talaga yun noh! Maya bigla na lang yun bumalik kung saang lupalop eh!"

"Ano ba kasi yun? Nalilito na ako.."

"Alam ko na kung sino ang magiging hired husband ko." Nakangising sagot ko.

"Sino naman yun? Wag mong sabihin na pumatol ka sa mga, alam mo na?!" Allison shrieked.

"Siyempre hindi noh! Baliw nga ako pero kahit papano naman may natitira pa ring katinuan sa pag-iisip ko." Natatawang sabi ko sa kanya.

"Then, sino namang minalas na lalaki ang gagambalain mo ang nananahimik na buhay?"

"He's name is Dale Santiaguel. The son of my mom's bestfriend." With full of conviction ko pang sinabi.

Yes, when I saw Dale I'm sure that he's the perfect husband to hire.

And I'll do everything para lang mapapayag siya sa plano ko. By hook or by crook.

And They Seal It with A DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon