EIGHT
Mukhang hindi na yata talaga ako papansinin ni Dale. Six fourty-five niya ako pinagsarhan ng pinto at quarter to eight na ngayon. Nakapagstatus na ako lahat-lahat sa facebook, nagpalit ng profile picture, nakakuha na nga ang bagong profile picture ko ng one-hundred and fifty likes at nag-upload na rin ako ng pictures ko. Nakipagchikahan na rin ako sa mga katabing unit niya na puro pala gwapo pero wala pa ring Dale na nagpakita.
Hindi pa naman ako tuluyang tinakasan ng katinuan para hintayin siya hanggang sa lumabas siya ng unit niya. Paano kung bukas na yun lumabas? Ermitanyo yun kaya big chance na yun nga ang mangyari.
Kahit masama ang loob ko na wala man lang pag-asensong nangyari sa akin ngayong araw na 'to ay umalis na ako ng condominium niya. Para saan pa ang pagtunganga ko dun di ba? Kung iniisip niyo na sumusuko na ako wag na kayong magulat dahil hindi ko gagawin yun. Quitting is my last option to resort.
Pero mukhang pinapamukha lang talaga ng pagkakataon na hindi siya sang-ayon sa mga pinaggagagawa ko. Dahil paglabas na paglabas ko ba naman sa lobby ng condo ay sakto naman na biglang pagbuhos ng ulan. Hindi ko alam kung saan pa ang sisilungan ko. Ang swerte ko lang na coding ako ngayon.
"Waaaaaah! Ang malas ko naman! Bwisit! Bwisit!" Di ko na napigilang isigaw habang nagsisimula nang uminit yung gilid ng mata ko senyales na paiyak na ako.
Many believes that I'm a tough woman but deep inside of me is a soft spot that was really scared. Scared and unsecured.
Sa mga sandaling ito ay pinagbigyan ko ang sarili ko na umiyak sa gitna ng tahimik na kalsada at malakas na ulan.
Umiiyak ako sa sobrang frustration. Frustration na parang kailan lang alam kong hawak ko ang buhay ko. Para akong isang ibon na masaya at malayang lumilipad nang bigla na lang akong huliin at ilagay sa isang kulungan na alam kong hindi ko matatakasan.
"Bwisit! Bwisit talaga!" At nagpapadyak pa ako sa inis at biglang umupo sa gitna ng kalsada. Wala na akong pakialam kung binibigyan na ako ng nagtatakang tingin ng mga taong nakakakita sa akin pero sa mga oras na yun wala akong pakialam sa iisipin nila. Bakit? Kapag ba pinansin ko sila, matutulungan ba nila ako? Kapag ba inisip ko yung iniisip nila masosolusyunan ba nun yung problema ko?
Todo emote pa ako sa pag-iyak nang magtaka ako dahil sa biglang pagtigil ng ulan.
"Kahit kailan talaga bwisit na ulan ka! Kung kailan ayokong umulan saka ka bubuhos tapos kung kailan kita kailangan doon ka titigil!" Dakdak ko pa at sabay taas ng mukha ko mula sa pagkakayuko.
Pero nagkamali ako ng ginawa ko dahil pakiramdam ko nag-init ang buong pisngi ko sa nakita ko.
Because right in front of me is Dale holding an umbrella which covering us from the rain and his what-the-hell-is-your-problem look.
Please don't speak. Please don't tell me that you've seen the whole scene. Oh, please Dale. Piping hiling ko sa isip ko. Pero hindi yata talaga marunong makaramdam ang tinamaan ng magaling.
"What do you think you're doing in the middle of the street and crying?" Asar na tanong niya sa akin.
My goodness!
Oh Lord, bakit Niyo po hinayaang ipagkanulo ako sa lalaking ito? Di ko yata carry.
At ganun na lang ang hiling ko na bumaha na sana para malubog na ako sa tubig kaysa naman maranasan ko ang kahihiyang ito ngayon.

BINABASA MO ANG
And They Seal It with A Deal
RomanceMarriage. Sa panahon ngayon iyan ang kinakailangan ni Saddie para hindi na siya pilitan ng lola niya na magpakasal sa lalaking hindi niya kilala. Kaya kahit hindi magandang tingnan, nagpropose siya sa ubod ng sungit na anak ng bestfriend ng mama niy...