Prologue
Beware!
Name: Natasha Lyn C. Alcoral with 1x1 picture whole body
Age: 19 years of living in happy land
Hobbies: Laughing
Sports: Ultimate Volleyball with super duper dig ng bola
Talents: Manghuli ng lamok at uminom gamit ang tansan
Characteristics:__________
Characteristics? Ni Nats? Hmm, ah. Yun ba?
Teka, ilista ko nga.
1. BALIW.
2. WALANG HIYA.
3. ADIK.
4. MAKAPAL ANG MUKHA.
5. MANG-UUTO.
6. BULLY.
7. NAGGER.
8. BEST ACTRESS.
9. MANYAKIS.
10. SADISTA.
Yung tipo nang babae na nakakairita pero palagi mo pa rin siyang kasama. (Ewan ko ba! Tangina lang.)
Ayaw mong sundin pero sa huli, susunod ka pa din.
Masakit mamalo pero nakakatuwa.
Nagjojoke na walang kwenta.
Yung tipong nagrereklamo ka tapos magpapa-cute siya, bibigay ka na.
Pagnagpacute naman, nakakadiri.
Yung tipo nang babae na pasimple kung umutang. (As in di mo mamamalayan!)
Yung babaeng walang ginawa sa buhay kundi tumawa.
Masaya kasama kaya hindi mo maiwan.
Madaming likers kasi madaming kaibigan.
Masyadong mababaw ang kaligayahan.
Yung babae na parang lahat ng tao kaibigan niya. (Sexy daw kasi siya!)
Maganda ba siya?
Si Natasha Alcoral? Ah. . .ayun, mabait naman.
Maganda nga?
Well, masaya kasama.
Tangina. Ano nga? Maganda ba?
Matalino sa English.
Pota. Ayos sagot ‘pre. So, hindi siya maganda?
Napangiti ako sa tanong Philip at umiling ng dismayado. Si Natasha Alcoral, maganda? Kailan pa? Kung joke yun, malamang madami ang tatawa. Sht, natatawa na ako.
Napa-oh siya at tumango-tango.
“Maka-describe ka naman kasi,” Sisi ni Philip.
Napangisi ako sa kanya at tiningnan yung papel na pinagsusulatan ko. Antagal naman kasi nun, pa-importante.
“Siya yung babaeng di dapat sineseryoso.” Sabi ko sa kanya ng may malapad na ngiti.
Tumang-ina siya sa gilid niya at tsaka uminom ng tubig habang ako naman nagsulat sa papel na pinagsusulatan ko kanina. Oo nga, may nakalimutan kasi akong isulat. Actually, marami pa pero ito na muna ngayon. Si Natasha Alcoral ang pinag-uusapan natin dito, kung isusulat ko lahat baka di matapos ‘to.
Characteristics:__________
11. PA-FALL
Tangina. Napapangiti na naman ako ng mag-isa.
Siya kasi yung babae na walang ginagawa pero mamahalin mo ng sobra.
“Mag-ingat ka na lang sa kanya.”
--
Hi po! POV ito ng guy :D Enjoy reading! ;)
Votes and Comment po, new story ko! Hahaha. After Desperadang Kerida. Sana i-share niyo naman sakin kung ano ang sa tingin niyo. Salamat!
Talk to me through YahooMail :)
*knowmeoban@yahoo.com
-knowme
BINABASA MO ANG
Pilosopo Tasya (SLOW UPDATE)
HumorAng babaeng walang hiya. Seseryosohin mo kaya siya?