Para may malaman kayo kahit kaunti.
Sa Legend World ay may 8 kaharian. Ang Wind, water, fire, earth, elementus, hershey, gorilla and technology.
Ang Wind Kingdom na kilala sa tawag na Burthes Kingdom na ang ibig sabihin ay Breath KIngdom. Ito ay binubuo ng mga taong may kapangyarihang hangin. Obvious naman dahil Wind nga diba?? haha joke. Pinamumunuan ito ni Reyna Maria at Haring Gabriel.
Tulad ng sa wind, Ang Water Kingdom o kilala sa tawag na Dolphin's Kingdom. Killa ang Dolphin's Kingdom bilang pinakamasayahing kaharian sa Legends World nasa tagalog ay Mundo ng Misteryo. Pinamumunuan ito ni Reyna Khiaarine at Haring Karlos.
Sunod dito ang Phoenix Kingdom . Mga may kapangarihang apoy. Napakapanganib ng lugar na ito at wala pang Devil Ages ang makapasok dito dahil sa husay ng mga ito sa pakikipaglaban. Ganyan sila ka misteryoso. Pinamumunuan naman ito ni Reyna Magdalena at Haring John.
Ang Earth Kingdom na kilala bilang Arthus KIngdom. Ito ay pinamumunuan nila Reyna Valentine at Haring Esteval. Nasa Earth Kingdom din ang pinakamadaling daanan papuntang Evil World kaya lagng napapasok ng Devil Ages ang kaharian nito ngunit walang Devil Ages ang makatalo sa Hari at Reyna kung makipaglaban. Masasabi nating mahusay ang namumuno dito.
Ang Hershey Kingdom na pinamumunuan nila Reyna Howled at Haring Chris. Nagtataka kayo kung bakit Hershey?? Simpe, nakakagawa sila ng hershey at pwede itong pangkain ng tao, pwede ka nitong mapagaling, mapahina at malakas. Masasabng nakakatulong ito sa buong Mundo ng Misteryo dahil dito nanggagaling ang lakas ng tao. Masasabi nating lalakas ka kung lalapit ka dito pero para sa mabuti lang yon pero kung masama ka at lalapit ka sa kaharian na toh, hihina ang kapangyarihan mo at unti unti itong hihigupin ng kaharian. Astig noh??
Sunod ang Gorilla Kingdom. Pinamumunuan ni Reyna Antelleya at Haring Antony. Anong silbi ng kapangyarihan nila??? Simple lang, nakakagawa sila ng gorilla, kaya ka nilang gawing gorilla mapasama o mapabuti ang ugali mo, mapasusunod ka nila. Masasabi nating sentro itong mga hayop dahil dito namamalagi ang mga hayop at halimaw na tutulong sa atin kapag nakikipaglaban.
Technology Kingdom. Pinamumunuan ni Reyna Wistaleya at Haring Mark. Dito sa kaharian na ito natututunan ang mga makabagong teknolohiyang inimbento. Masasabi nating matatatalino lahat ng nasa kaharian na ito. Dito rin iniimbento ang mga poison and spells para mas madaling bumisa. MAsasabi nating ito ang pinakasentro ng mga laboratory,
At ang pinakahuli sa lahat ang ELEMENTUS KINGDOM. Nakalagay ito sa PINAKAGITNA ng LEGEND WORLDS. Dito nabibilang ang mga taong mayroong kapangyarihan ng 6 pataas. Usually kasi na 1-4 lang ang kapangyarihan ng isang tao.Sa kaharian na ito namumuno si Reyna Athena at Haring Markus. Sila ang pinakamalakas na tao sa buong Legend World bago ipanganak ang Prinsesa. Sa kahariang ito makikita ang mga taong mayroong kapangyarihan ng hangin, tubig at iba pa. Ito ang PINAKASENTRO ng mga kaharian. Kahit na Prinsesa ka lang dito ay igagalang ka ng hari at reyna ng ibang kaharian. At itong Kaharian na ito ang gustong gustong sakupin ni Reyna Maleficent.
-----------------
Oh yan na guys. mahaba yan. hahaah sege bukas ud.
BINABASA MO ANG
Elements Legend
FantasyElements Legend. Mundo ng Legenda. Makakayanan bang iligtas ng bida ang kanyang nasasakupan kung malalaman niya na mismo ang kaibigan niya ang tatraydor sa kanya. Magiging matatag pa ba ang loob niya o magpapalamon siya sa kanyang takot? Subaybayan...