WITRH10

23 15 0
                                    

After nung song may sumigaw na

"Kiss!!" Hanggang sa lahat na ata sila sinisigaw yon. Alam ko na sa cheeks lang iki-kiss ni Kim si Aliyah o pede ding hindi dahil baka mandiri siya, dahil hindi babae ang gusto niya at lalong hindi sa lips mas nakakadiri yon para sa isang tulad niya. Nakakainis lang yung mga tao dito alam naman nila na wala ng relasyon si Aliyah at Kim pero kung maka sigaw ng kiss tsk.

Ngumiti lang si Kim sa mga tao at aalis na sana siya sa stage ng biglang...

Oh God

What did I do wrong para masaktan ng ganto. Sobrang sakit.

Mukhang nagulat si Kim sa paghila sa kanya ni Aliyah at kasabay non ang paghalik ni Aliyah kay Kim..

Sa lips.

Bago pa ko mapigilan nila Jane at Saira. Tumakbo na ko palabas ng gym. Dinig ko parin ang tilian ng mga tao don at palakpakan. Muntik na kong madapa kakatakbo kaya tinanggal ko ang heels ko saka tumakbo papalabas ng gate ng school.

Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa bahay namin.

Buti na lang si Manang yung nagbukas ng gate at tulog na si Mama. Tinanong ako ni Manang kung anong nangyari pero sabi ko gusto ko ng matulog.

1 am na. Pero hindi parin ako makatulog. Patuloy lang ang pagtulo ng luha ko every time na naaalala ko yung nangyari kanina. Siguro mga 3 am na ng dalawin ako ng antok.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na mula sa bintana. Hindi ko pala nasara yung kurtina kagabi.

Bumaba na ko after ko mag toothbrush at maghilamos. Gutom na gutom na ko dahil hindi ako nakakain ng ayos kagabi sa Prom. Wala si Papa dahil nasa work niya as Police at si Mama may nag order daw ng cake kaya dinala niya don sabi ni Manang. Hilig kasi ni Mama mag bake at dito niya ginagawa sa bahay pero minsan sa simpleng restaurant namin.

Simple lang ang buhay namin hindi kagaya nila Kim... Aist naalala ko na naman yung kagabi. Hay.

Pagkatapos ko kumain naligo na ko at nag ayos. Pupunta muna kong mall para naman hindi ko maisip yung kagabi. Bakasyon na ngayon hanggang after ng new year. Nakakaboring sa bahay. Bukas ng gabi Noche Buena na.

Nasa mall na ko nung biglang tumunog yung phone ko.

Nasan na ba yon? Ang gulo ng bag ko.

"Ouch! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Grabe naman tong babae na to kung makasigaw. Hindi naman kami magkaka banggaan kung nakatingin siya sa dinadaanan niya. It means parehas kaming hindi naka tingin sa daan.

Nag sorry na lang ako para tumahimik na siya.

"Sorry? Wow ah. Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo para hindi ka maka bangga ng magandang tulad ko. Tss dyan ka na nga"

Ang kapal nga naman talaga. Maganda siya? Uhm oo nga maganda siya pero yung ugali naman niya tsk. Ka badtrip. Umagang umaga eh.

Ano ba yan. Ang ingay ng phone ko, nasan ba kasi...Oh there you are.

Tumatawag si Kim.

Sasagutin ko ba? Hay bahala na nga.

Sinagot ko pero di ako nagsalita.

"Hello? Hey Dear. Nasan ka? Bakit wala ka dinech sa house nyo?" -Kim

"Ano kailangan mo?"

Kung magsalita siya parang walang nangyari sa Prom ah.

"Ay wala naman bakla. Bad mood ka ba ngayon?"

Tss. Hindi ba halata.

"May sasabihin ka pa ba? Bababa ko nato"

Who Is The Real Him (Completed)Where stories live. Discover now