Chapter 13: Magsing-Irog

3.4K 49 0
                                    

[AMIA'S POV]

               Nagulat si Amia nang sunduin siya ni Samuel sa talian ng gulay. Halos alas-nwebe pa lamang ng umaga. Napuno tuloy ng kantiyawan ang bukirin doon dahil sa kanila. Maaga siyang umalis sa bahay ganoon rin ang kanyang mga kasamahan para magtali ng gulay kaya maaga rin silang natapos. Iluluwas pa kasi sa palengke sa bayan ang mga gulay na iyon.

“Talagang wala ng makalalapit pa kay Amia na manliligaw, ah. Dati-rati eh pila pila ang manliligaw niyan dito.”

“Nako Nana Solet sa ganda naman ho kasi ng Misis ko sinong mister ang mapapakali sa loob ng bahay?” sabi ni Samuel.

“Kuuu’ ang sabihin mo lang eh binabantayan mo ang asawa mo.”

Napangiti lamang si Samuel.

“Ikaw talaga. Uuwi naman na rin ako sa bahay mamayang tanghalian. Tignan mo oh namumula ka na sa init ng araw,” pinunasan niya ang pawisang noo nito gamit ang kanyang kamay.

“Na-miss kita, eh.”

“Asus..itong magsing-irog na ito oo. Nakakainggit. Naaalala ko tuloy ang kabataan ko,” sabi ni Nana Solet na giliw na giliw sa kanilang mag-asawa.

“Kayo ba ay kalian planong magkaanak?” sabi ni Tata Dane.

Namulang parang kamatis ang mukha ni Amia sa tanong nito. Ni hindi pa nga sila umaabot sa paggawa ng bata.Paanong makakabuo? Nagyuko siya ng ulo sa hiya. Si Samuel naman ay hinawakan siya sa baywang ang malawak ang ngiti.

“Malapit lapit na ‘ho, Tata Dane,” ngingiti-ngiting sabi ni Samuel. “Malapit na malapit na, ‘di ba Misis?” biglang tingin sa kanya nito.

“Ikaw talaga, Samuel!” kinurot niya ito sa tagiliran. Natawa ang lahat sa ginawa niya.  “Nako at mauna na po kaming mag-asawa. Sasabay na ho kami sa truck ng gulay at pulang pula na ang mister ko sa tirik ng araw oh!”

“Ke ganda naman kasi ng balat ng asawa mo, Amia. Pang-mayaman. Parang artista, eh. Kaya pala lagi akong butata sa panliligaw sa’yo,” pakamot-kamot ng ulo na sabi ni Domeng. Isa ito sa mga kaibigan niya na may gusto sa kanya.

“Sorry, Pare. Nandiyan naman si Melay oh! May crush sa’yo yun oh!” biro ni Samuel dito.  Hinawakan ni Samuel ang kamay niya. “She’s mine already. Sorry ka nalang.”

Isang malakas na tawanan na naman ang umiral bago sila tuluyang umalis na ni Samuel. Gaya ng inaasahan ay ayaw sumabay ni Samuel sa truck. Mas gusto raw nito ang nag-lalakad. Maganda raw ang walking sa umagasabi nito. Marami itong nabanggit na dahilan kung bakit. Ang ilang salita ay hindi na maintindihan ni Amia. Iba talaga ang talino ng asawa niya.

Ngayon ay naglalakad na silang magkahawak ng kamay.  “Samuel, gusto mo bang pumunta sa paborito kong puntahan? Hmnnn..kaunting lakad lang naman iyon mula rito. Kung gusto mo lang naman.”

“Of course! I would love to. Wala naman ako ginagawa sa bahay. Ikaw kasi ayaw mo akong pagtrabahuhin, eh.”

“Asus. Ayan na naman ikaw. Tsaka na natin pag-usapan iyon, ah! Oh halika na. Hindi ka pa naman siguro gutom noh?” sabi niya rito.

Nginitian siya ni Samuel ng nakakaloko.”I can always eat you, Babe...”

“Tse! Ewan ko sa’yo.” Hinampas  niya ito sa matigas nitong dibdib. Hinuli naman nito ang kamay niya at hinalikan ito.

“Ikaw naman hindi ka na mabiro. Ang ganda ganda mo pa naman, oh!” pang-aasar nito.

“Bolero ka ha, Samuel!”

MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon