Samantha's POV
Nagtatawanan kaming lumabas ni Ryle sa Clinic matapos naming magpasalamat kay Nurse Anne. Nagbiro kasi ito na bagay raw kami ni Ryle at sana raw kami ang magkatuluyan in the future. How i wish. sabi ko sa isip ko. Pero hindi na dapat ako umasa na mangyayari 'yon dahil sa naging sagot niya na 'Imposible pong mangyari 'yon Nurse.. Magbest friend lang po ang turingan namin ni Samantha sa isa't isa at hanggang doon lang po 'yon.. Diba bespren?' Umiwas ako ng tingin sa sinabi niya at nag-aalangang tumango. Tumatawa lang ako pero hindi ibig sabihin nun hindi ako nasasaktan.
Mapait akong napangiti. Bakit ba kasi ako umaasa na maglelevel up ang pagkakaibigan namin? Imposible ka nga niyang magustuhan, Sam.. Move on na.
"Sam, ayos ka lang? bakit ka umiiyak?" tanong ni Ryle sa nag-aalalang tono
Napahawak ako sa pisngi ko. Tumutulo na pala ang luha ko ng hindi ko alam. Ewan ko ba, simula nang mahalin ko siya, ang dali kong umiyak.
"A-Ahh, o-oo ayos lang ako.. Mamimiss ko lang si papa, malapit na kasi siyang bumalik sa states, e." pagsisinungaling ko.
Napangiti naman siya.
"Akala ko kung ano na ang dahilan e. Okay lang yan, Sam. Babalik naman si tito e." sabi niya saka umakbay sa'kin.
Agad ko namang tinanggal ang pagkakaakbay niya sa'kin.
"Wag mo nga akong akbayan baka may makakita sa'ting mga ex mo o di kaya'y nagkakagusto sa'yo, sugurin pa ako." Kunwaring inis na sabi ko.
Natatawang ginulo niya ang buhok ko. "Ikaw talaga. Magagawa ko ba namang pabayaan na masaktan ka nila? Ako ang magsiailbing knight in shining armor mo 'noh! Ako ang proprotekta sa'yo anumang oras. Kaya 'wag ka ng mag-alala. Tara na nga, kumain na nga lang tayo. Libre ko." Tumango na lang ako saka tipid na ngumiti. Please, wag kang gumawa ng bagay na mas ikalalalim pa ng nararamdaman ko sa'yo, Ryle. mahal kita pero ayoko ng umasa pa. Gusto kong sabihin iyon sa kanya pero hindi ko magawa. Wala akong lakas ng loob. Takot akong mareject. Hindi ko kaya.. Hindi kaya ng puso ko.
Maraming bumabagabag sa'kin. I admit that I already fell in love with my best friend. Natatakot akong mas lumalim pa iyon na ikasakit lang ng puso ko sa bandang huli.
Pagkarating namin sa Canteen, nagvolunteer siyang siya na lang ang bibili ng pagkain namin. Kaya naghanap na lang ako ng bakanteng upuan para saming dalawa.
Pagkaupo ko, nilabas ko ang cellphone ko at tinitigan ang litrato naming dalawa ni Ryle. Kuha iyon sa bahay habang nag-uusap kami. Lihim kasi kaming kinuhanan ng litrato ni mama. Nagreklamo ako kay mama pero ang sabi niya, "Pasyensya na anak, ang cute niyo kasing tingnan e. Sana kayo ang magkatuluyan kayong dalawa hihi.." kinikilig na sabi niya. Para siyang bata. "Naku ma, imposible pong mangyari 'yon. Playboy 'yon, e. Best friend lang ang turingan namin sa isa't isa at hanggang dun lang po 'yon." sagot ko kay mama. Ngumiti siya saka hinaplos ang mukha ko.
"Anak, maraming nagbabago dahil sa love, maraming nalilinlang yan kaya wag kang magsalita ng tapos.. Maraming namamatay sa maling akala anak. Maaaring best friend lang ang turing mo sa kanya ngayon pero pagdating ng panahon, mamamalayan mo na lang na inlove ka na pala sa kanya.. Sa pagkakaibigan, maaaring mainlove kayo sa isa't isa o di kaya'y mainlove ka sa kanya pero hindi ka niya magawang mahalin ng pabalik and vice versa.. Sinasabi ko 'to kasi alam ko ang pakiramdam na mainlove sa best friend dahil d'yan din kami nagsimula ng papa mo.." Tama nga si mama, hindi ko masabi kung hanggang best friend lang ang turing ko sa kanya.. Heto ako ngayon, hulog na hulog na sa kanya at hindi alam kung makakaahon pa..
"Samantha.." halos mapatalon ako sa gulat dahil sa tumawag sa pangalan ko. Agad kong tinago ang cellphone ko at bumaling kay Nathalie na siyang tumawag ng pangalan ko.
"May kailangan ka, Nathalie? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.
"Samantha, please help me.." malungkot na sabi niya. ".. I want Ryle, back."pagpapatuloy niya.
Ramdam ko ang pagkirot ng puso ko sa sinabi niya. Magiging tulay ako ng taong mahal ko at best friend ko. Nice.
"Ikaw na lang kasi ang malalapitan ko e, ikaw kasi yung alam kong taong malapit sa kanya. Please?" Pagmamakaawa niya.
Labag man sa loob ko, pero nagawa ko pa ring tumango. Kung ito ang ikasasaya nila pareho, fine. Gagawin ko ang lahat para sumaya si Ryle kahit na ikakasakit pa ng damdamin ko. Mahal ko siya e.
Nakikita ko rin kasi sa mga mata ni Ryle na mahal niya pa rin si Nathalie. At alam kong totoo 'yon. Narinig ko rin 'yon mula sa kanya nang huli silang mag-usap ni Nathalie.
"Sige. Payag ako." Ngumiti ako ng pilit. God, sana tama 'tong desisyon ko.
Ngumiti si Nathalie saka ako niyakap ng mahigpit.
"Thank you, Sam! Thank you." Hindi mawala ang ngiti sa mga labi niya. Para siyang nanalo sa lotto samantalang ako, nasasaktan. Para 'to sa kaligayahan ni Ryle, Sam. Hayaan mo na.
"Your always welcome, Nathalie." Hindi matanggal ang pilit na ngiti sa mga labi ko.
"Thank you again, Sam. By the way, I have to go. marami pa akong kailangang gawin e. Thank you ulit." sabi niya saka umalis.
Kapit lang, heart. Kaya mo 'yan! Fighting!
YOU ARE READING
Saying Goodbye to my Playboy Bestfriend
Teen FictionSabi nila, sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat. Ang kaibigan ang nakakasama mo sa mga paggawa ng kalokohan at sa iyong problemang pinagdadanan, sila ay handa kang damayan. Sila ang iyong naiiyakan sa mga panahong iniiwan ka ng mga mahal mo sa buh...