KALOKOHAN

30 0 0
                                    

PAUNAWA : ANG BABASAHING ITO AY WALANG KAKWENTA KWENTA, WALA KANG MAPUPULOT NA ARAL DITO KAYA PARANG AWA MO NA HUWAG MO ITONG BABASAHIN KUNG AYAW MONG MABALIW KATULAD NI IZAY !!!

BAWAL BASAHIN WALANG MAGANDANG MAIDUDULOT

Sabi doon sa "PABORITONG LIBRO NI HUDAS " na akda ni "Bob Ong". Bakit daw maraming tanga sa mundo? Ou nga naman, kasama na rin si Bob Ong dun ( uy! aminado naman siya don e! tanungin mo pa siya ! ) at syempre kahit ako o maging ikaw din e dumadaan sa mga ganitong pagkakataon sa buhay.

Sa sobrang dami na nga ng kanilang lahi hindi mo na sila mabibilang. Biruin mo dito na lamang sa Pinas halos sandaang porsyento na e kung isasama pa ang mga taga ibang bansa, mundo, munggo, planeta, placenta, galaxy, corby, milky way, sky way, highway, ...tsk..tsk..tsk..andami nila diba....isa , dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo ........ah basta madami sila este kami..ay mali tayo pala..

EKSENA SA TINDAHAN NG YELO

AKO : pabili po

TINDERO : (nasa kusina) ano yun??

AKO : ____________________????????

Hanep !!! Sino ba namang matinong tao ang sasagot ng "ANO" sa taong bumibili sa tindahan niya na ang tanging tinda lamang ay YELO , pambihira !!!!

KALOKOHAN NI DODONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon