Pakiusap ko sayo, bumalik ka na.
*
"Miss, Ako na magbubuhat niyan"
Tanda ko pa ang mga salitang una mong binitawan nung una kitang makita. Tinulungan mo akong buhatin ang mga dala kong mabibigat na libro, na hiniram ko lang sa library. Binuhat mo ang mga librong dala ko paakyat sa ikatlong palapag ng paaralang pinapasukan natin.
Hindi pamilyar ang mukha mo, Sabi mo saken na 4th year high school ka na, pareho pala tayo, pero nabibilang ka sa kabilang section.
Nagpakilala ka saken, Sinabi mong "Carlos" ang pangalan mo, Winagayway mo yung kamay mo nung nagpaalam ka na saken, kasabay nang pag alis mo ay ang ngiting una kong nasilayan galing sayo. Ibang iba ka sa mga nakakasalamuha kong lalake sa campus, Mabait ka, Matulungin at gwapo, Ikaw ang unang pumansin sa akin sa school; Ikaw lang ang naglakas loob na tulungan ako, Sabi nga nila "Langit ka at Lupa ako" Gwapo ka, kilala ka rin sa buong high school department dahil sa taglay mong kabaitan, Matalino ka rin. Ako? Nagsusuot ako ng Braces, Makapal na Eyeglasses, Buhaghag ang buhok ko na wari'y parang nabagyo, Manang ako manamit, Isa akong Nerd. Hindi ako kagaya mo na super matalino, Kung tutuusin, Nasa average level lang ang kaalaman ko.
Umiiyak ako noon sa likod ng paaralan, Pilit kong pinapatahan ang sarili ko pero hindi ko magawa, Binubully kasi ako ng mga kamagaral natin
Nilapitan mo ako at inalok mo ako ng panyo. Tinignan lang kita pero hindi ako nagsalita
"Hayaan mo na sila. Nandito naman ako"
Pilit mo akong pinapatahan sa pamamagitan ng pag alo mo sa likod ko, Sa oras na yon, nakaramdam ako ng kakampi.
Salamat ha? Dahil sa kabila ng katangahan ko, hindi mo ako iniwan o pinabayaan man lang.
Hinatid mo ako sa bahay, pero bago pa ako makapasok hinalikan mo ako sa noo ko
"Huwag kang magalala, Simula ngayon aalagaan na kita"
Laking pasasalamat ko sa panginoon noong sinabi mo yon, Hindi na ako masyadong binubully, Pinapansin na rin ako ng ibang estudyante.
"May pupuntahan tayo" anyaya mo saken, Sabado noon at walang pasok
Pumunta tayo sa mall, Pinaayos mo ang buhok ko, Pinakulayan at pinagupitan. Naiyak ako nung nakita ko ang mukha ko sa salamin, Walang katapusang 'thank you' ang sinasabi ko sayo, Nginingitian mo lang ako,
Bumili ka pa nang contact lens para saken, Binilhan mo pa ako ng mga mamahaling damit, Mga damit na kahit kelan ay hindi ko naisip na maisusuot ko.
"Ang ganda mo"
Yan ang unang beses na sinabihan mo ako na maganda ako, Kakalabas ko lang sa bahay noon nung sinundo mo ako para sabay na tayong pumasok sa school.
Simula nung araw na yon, Marami nang lumalapit sa akin, Marami nang pumapansin sa akin sa klase maging sa labas ng campus, yung mga mean girls na inaaway ako noon ay nakikipagkaibigan na rin, Sa pagbabago ng itsura at ayos ko, Hindi mo ako iniwan, nandiyan ka pa rin....
"Walang magbabago"
Yan ang pangako natin sa isa't isa, pinangako natin yan sa bubong ng bahay namin, gabi noon at maraming bitwin sa langit. Isa yun sa mga masasayang gabi sa buhay ko.
Yung pangakong iyon ay hindi mo binali, Kung sino yung Carlos na una kong nakilala ay yun pa rin ang Carlos na nasa tabi ko ngayon.
Marami na ang naging kaibigan ko, Madalang na tayong magkasama tuwing Break o kaya naman ay lunch, Nakikita nalang kita tuwing flag ceremony, Gusto kitang lapitan pero sa tuwing gagawin ko yon, ay tatawagin naman ako ng mga bago kong kaibigan.